Marami ka bang ideas at concepts na nasa isipan mo pero hindi mo nagagawa?
Gusto mo na bang mag-sarili sa iyong business pero natatakot kang humiwalay sa partner mo?
Matagal mo ng gusto magtayo ng sariling negosyo pero hindi ka makapag-umpisa?
Hmmm, if you are going through this dilemma. This is the blog for you.
Naniniwala akong ang doubts at fears ay pinagkaloob ni God to remind us that we need to think, evaluate and process things before we make any decision.
Pero hindi ko pwedeng hayaan itong mga feelings na ito ang humadlang kung ano man ang pangarap ko sa aking buhay.
Allow me to share with you these thoughts that helped me to get started:
BE POSITIVE
I know, madalas na natin naririnig ito. Especially if you follow me every Sunday sa show na Chink Positive.
Being positive is not a state of what you feel but it is a decision that you should make. You don’t wait until such time you are positively sure na mag-work siya before you start something. Sometimes you just need to take calculated risk, kahit alam mo na pwede siya mag-fail pero you need to be positive that things will work out.
If it does not, dapat positive pa rin tayo na matuto sa pagkakamali, mag-adjust then mag-move-on.
BE PRO-ACTIVE NOT REACTIVE
Huwag nating hintayin na may mangyari, gumawa tayo ng paraan para may mangyari. Walang ibang makakatulong sa atin kundi ang ating mga sarili. Kung nganga lang tayo at hihiga, walang mangyayari sa atin, kailangan nating bumangon, umakyat ng puno at pitasin ang matamis na mangga na inaasam natin.
JUST DO IT
Knowing one thing is a good start but doing something about it as another thing. Balewala ang knowledge na meron tayo kung hindi natin gagamitin. Kahit gaano kaganda ang mga nagawa natin plano at kahit gaano kabongga ang mga pangarap natin, kung hindi tayo kikilos, balewala ang mga ito. So let us not make excuses, let us not waiver, let us not procrastinate, let’s just do it. NOW.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kapatid, meron ka bang mga idea na hindi mo pa naipatutupad? Bakit?
- What’s stopping you from taking the next step?
- Have you done something about it?
- Kung handa ka na mag-umpisa ng additional income.
Gusto kong i-share sa iyo on “HOW TO MAKE YOUR FIRST MILLION IN THE FIELD OF DIRECT SELLING” on January 27 in Cebu and February 28 in Manila.
Avail P250 discount from an original price of P750.
To know more, please click here https://chinkeetan.com/firstmillion/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.