Na-experience mo na bang magbigay ng instructions sa isang tao pero hindi niya ginagawa ito? May kilala ka bang gumagawa ng sariling desisyon at diskarte maski hindi mo naman pinapagawa sa kanya? Yun bang masasabi nating nagmamarunong?
“Parang mas okay kasi yung naisip ko eh”
“Hindi ba pwedeng ito nalang?”
???Bakit kaya ganun ang idea niya pwede namang yung sinuggest ko dati????
???Ito na lang gagawin ko. Bahala na mamaya???
Mawalang galang lang po, hindi naman tinatanggal ang inyong karapatan na maging malikhain. Pero bago tayo lumikha ng bagong sistema at pamamalakad, matuto munang sumunod sa inuutos. Gawin mo muna at kung may maganda kang idea, ask permission before you implement.
Minsan kasi, may ibang pinapangunahan ang lahat. Hindi pa man sinusubukan o hindi pa alam ang end-result, hinuhusgahan na kaagad at may ???say??? na.
Bakit nga ba may mga taong mahirap kausap?
MABAGAL ANG PICK UP
Kapag may mga inutos at hindi mo gaano naintindihan, wala naman nagbabawal sayo magtanong.
Huwag ka matakot dahil hindi naman kabawasan sayo iyon, in fact, matutuwa pa nga yung boss mo or kung sino mang nagbigay ng instructions because you showed interest and looks like na ayaw mo siya ma-disappoint.
Sabi nga, when in doubt???ASK!
MATIGAS ANG ULO
Ito yung mga taong naniniwala na sila lang ang tama o sila lang ang may magandang ideya.
Tendency nito, kapag may iniutos sa kanila, either hindi nila ito susundin, sisimangot na as if napipilitan, or gagawin pero sabay backstab.
MAY SARILING DISKARTE
Dahil feeling nila na sila lang ang tama, dito naman ngayon pumapasok yung gagawin nila yung tingin nilang dapat.
Halimbawa, may instructions sayo na itype mo sa Word, pilit mong inilagay sa Excel dahil tingin mo mas organized at maganda tignan.
Sa mga ganitong pagkakataon, kahit pa hindi maganda sa paningin natin o mabigat sa loob natin, wala tayong karapatang palitan ang ideya ng iba lalo na ng mga taong nag utos nito because this shows disrespect. Sabi ko nga, if may suggestion ka, ask permission first pero subukan mo muna.
ASSUMING
Example:
???Nako pag nakita niya yan, tiyak mai-impress yan???
???Di niya na papalitan yun, mas maganda kaya yun!???
???Hindi niya naisip yan kaya siguro yung ang pinagawa???
Yang mga yan eh haka-haka mo lang. Always ask yourself:
- What if yun talaga ang kailangan?
- What if ma-offend ko siya kapag binago ko?
- Paano kung siya ang mapahamak kapag pinalitan ko?
Think about the other person bago ka gumawa ng desisyon. Tulad mo, ayaw mo din siyempre na gawin ito sayo. Put yourself in their shoes.
THINK. REFLECT. REPLY.
Nakakarelate ka ba sa blog na ito?
May mga kakilala ka bang mga taong ganyan?
Paano mo makakausap ng maayos para maging maganda ang inyong samahan?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? You can also check on these related articles:
- MAHIRAP KAUSAP ANG MGA TAONG NEGA
- BAKIT ANG HIRAP KAUSAP NG MGA TAONG SARADO ANG ISIP
- Bakit May Mga Taong Mahirap Kausap?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.