Katatapos ko lang manood ng pelikulang HENERAL LUNA. If I am going to rate the 5 the highest and 1 lowest, I would rate it as 4.5.
It was well made and the pacing was just good to keep you glued to the next scene. But one movie line that Heneral Luna kept on repeating on the movie was, “Ang kalaban natin ay hindi yung mga dayuhan, kung hindi kapwa Pilipino.” Sino ba ang pumatay kay Heneral Luna? Eh, di si … Panoorin niyo na lang!
Hindi lang ito nangyayari noong panahon ng Kastila, Amerkano at Hapon, pero hanggang ngayon!
Bakit hindi nalang kaya magkasundo ang lahat at isipin ang agenda at kabutihan ng lahat at hindi lang ng iilan.
Halimbawa…
Sa bahay:
“Eh papaano, ayaw ako payagang umalis ni Mama delikado daw. KJ lang yun kaya ganon”
Sa eskwelahan:
“Yung kaklase ko kasi, sinabi ko na mas okay yung idea ko pero pinipilit niya yung sa kanya”
Sa opisina:
“Nagmamarunong kasi yung team sa kabilang department, ‘di naman kaya”
Sa Pilipinas:
“Boboto ko siya”
“Bakit yun, wala namang nagawa yun”
“Eh bakit ka ba nakikialam?”
Sa ibang bansa:
“Hindi ko gusto yung mga yan, bumuo na lang tayo ng sarili nating grupo!”
“Bakit tayo susunod sa gusto nila, eh hindi naman taga ating probinisya ang mga yun!”
Sounds familiar, di ba? Iilan pa lamang iyan sa examples ng hidwaan o disagreement na maaring naranasan natin.
We can’t avoid disagreements, because of conflict of ideas, attitude and beliefs or life values. But ultimately if you are on the same team at kayo naman ay magkakampi, dapat magkasundo. Pero imbis na magkasundo, lalo pa nagpapataasan ng ere at pinaglalaban kung sino ang tama at mali.
End result, napapaaway, mabigat ang dibdib, at nakakapagbanggit o nakakagawa ng mga bagay na masama na hindi natin inaasahan.
Ano kaya ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng hidwaan?
DAHIL SA IBA’T IBANG INTERPRETASYON
Narinig niyo na ba ito. “Akala ko kasi eh!”
Maraming namamatay sa maling akala.
Pumapasok ang conflict kapag magkaiba kayo ng interpretation sa iisang bagay since nakikinig tayo sa mga sabi-sabi imbis na kunin yung impormasyon sa mismong tao o yung source.
For example:
Memo posted by the boss:
“We will be having a meeting at 2pm sharp”
Officemate:
“Hindi tayo kasama diyan, mga supervisors lang daw yan eh”
So hindi ka pumunta, napagalitan ka bandang huli, at sinisi mo yung nagsabi sayo. Why? Because you relied on hearsay alone kahit na may memo naman, meaning you have two things in mind kaya ka na-confuse.
Remember, when you’re not sure or when in doubt— ASK!
DAHIL SA IBANG VALUES
I remembered, merong isang estudyante na itinapon yung plastic ng pinagkainan sa sahig na parang wala lang. Nagalit yung kasama dahil pinalaki siya na dapat may galang sa kalikasan at sa mga nagpapanatili ng kalinisan.
Ang katwiran ng isa: “Eh, kung hindi naman dahil sa mga nagkakalat, walang trabaho ang janitor.”
There may be times that your life values are different from others, and sa tingin mo may point ka. Pero explain your point in a nice way na hindi ka naman makaka-offend.
DAHIL SA PRIDE
Sometimes, we may disagree with a person or their ideas dahil hindi nanggaling yung idea sa atin. Sa loob-loob natin, we may have the tendency to think, “Akala mo kung sinong magaling, eh wala naman binatbat.” Hmmmm, look who’s talking? Tatandaan po natin, bago tayo magtuturo, may apat na daliri ang nakaturo pabalik sa atin. Huwag natin hayaan yung pride ang maging hadlang upang gumanda ang samahan at ikabubuti ng karamihan.
DAHIL HINDI MAKIKINABANG
Some people will just disagree kasi hindi siya makikinabang sa agreement o transaksyon. Dito ako nalalabuan, hindi dapat makasama sa mga organization ang mga taong makasarili. Parati ang tanong na lang ay, “Ano ang share ko diyan?” o “Meron ba ako diyan?” Ang paborito nilang radio station is “WIFM”, which stands for, “WHAT’S IN IT FOR ME.” Sorry talaga, if you are only looking out for your own welfare huwag kang sasama sa grupo. Sa grupo kasi lahat nagsasakripisyo, walang lamangan, walang gulangan at walang iwanan. Kung makikinabang ang isa, dapat makinabang ang lahat.
Kung susuriin natin ang ating buhay ngayon, kamusta naman? Tahimik ba, kalmado, o may ingay sa loob niyo na dulot ng galit, pagkainis, hidwaan, o hindi pagkakaintindihan sa ating kapwa?
THINK. REFLECT. APPLY
Ano kaya ang dahilan ng pagkakaroon mo ng hidwaan sa inyong pamilya o samahan?
May nabanggit ba ako na pwedeng makapagbigay ng liwanag?
Ano sa palagay mo ang pwedeng gawin para magkasundo kayo?
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? Check out on these related posts too:
- Bakit Ang Labo Niyang Kausap?
- Paano Maiiwas ang Family Conflict?
- How To Deal With People Na Walang Sense Kausap
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.