Bakit may mga Taong Hindi Marunong Magpasalamat?
Naranasan mo na ba ito…
Ikaw na ang gumagawa sa lahat ng household chores pero heto sila’t walang humpay kung magkalat?
Ikaw na nga ang nagbabayad ng lahat ng gastusin, sila pa ang nagrereklamo at demanding.Minsan ba pakiramdam mo na kahit anong gawin mo para sa pamilya, kamag-anak, o kaibigan mo eh parang hindi sila makuntento? Yun bang feeling mo ginawa mo naman ang dapat pero wala ka man lang marinig na “Thank you.”In other words, hindi man lang na-appreciate yung efforts mo.
Ungrateful or unappreciative people ay yung mga taong nao-overwhelm or nadi-distract kapag nakuha na nila ang gusto nila kaya they tend to forget or neglect the feelings of the other person na tumulong at gumawa ng kabutihan sa kanila.
“Eh diba Chinkee, dapat we shouldn’t ask for anything in return?”
Oo tama na hindi ka mag-expect, pero please naman, huwag ng magreklamo!
Hindi naman tayo humihingi ng kabayaran, ang tanging hiling lang ay yung isang munting PASASALAMAT o pag appreciate sa lahat ng effort ba.
Pero paano kung talagang may mga ungrateful na tao, paano ba dapat natin ito i-handle in a positive way?
1. CONTROL YOUR EMOTIONS
Kung may mga oras na feeling mo hindi ka na appreciate, huwag kang magbitaw ng mga salitang masasakit sa kapwa para lang makuha mo ang kanilang atensyon. Baka lumabas na ikaw pa ang masama. Alam mo naman na baka may mga masabi ka pa na pwede mong pagsisihan.
2. GIVE THEM THE BENEFIT OF THE DOUBT
Remember, people can be forgetful just like us. Minsan, mabilis tayong makalimot. If you look back, sa dami ng mga tao na nakatulong sa atin. Sa palagay mo? Lahat ay napasalamatan ba natin ng lubusan. I would admit na may mga iba din akong hindi pa na fully appreciate. Hectic schedules and different priorities can make a person forget.
So before we judge a person, isipin natin na hindi lang naman sila ang ganito. Tayo din mismo may mga instances na nakakalimot, maaring hindi ganoon kadalas, pero pwede itong mangyayari.
3. A CHANCE TO FORGIVE
Instead of allowing these people to steal your joy in helping. Consider these situations as tests as to how many times you can forgive others. Consider this as an opportunity to exercise your patience and unconditional love towards others.
The more you learn how to repeatedly forgive others, the more you become a better person. Master the art of forgiveness and you will learn how to live at peace.
4. DO IT FOR GOD
Maaring feeling mo hindi nakikita ng iba ang efforts mo but God can see your intentions and actions, kaya you’ll be richly rewarded by Him in other forms.
Bakit hindi natin tanungin ang ating sarili, bakit ba tayo gumagawa ng kabutihan sa ibang tao.
Para ba kumita? Bakit negosyante ka ba?
Para ba mapansin? Bakit KSP ka ba?
Para ba sumikat? Bakit artista ka ba?
Para ba magkaroon ng kapangyarihan? Bakit politiko ka ba?
We do it not because we need to, but because we love to.
THINK. REFLECT. APPLY
Why are you helping others? Ano ang agenda at motive mo?
Are you doing it for yourself, for others or for God?
Let us focus instead of doing it for the Lord and not for man.
Sabi nga: Ang Diyos na ang bahala sa iyo!
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? You can also check these other related articles:
- Gratitude is an attitude
- BE THANKFUL AND GRATEFUL
- Tips To Have A Healthy Happy Life
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.