Meron ba kayong kakilala na ang bukambibig ay, “Palibre naman dyan…”
I’m sorry to say this, pero sa totoo lang, hindi tama na umaasa na lang tayo lagi sa libre. I’m sure maraming naiinis sa ganitong style.
Pero bakit nga ba may mga mahilig magpa libre?
Sa tingin ko, eto ang ilang mga rason:
SOBRANG KATIPIRAN
Dahil AYAW MAUBOS ang sariling pera, ayaw gumastos. Kaya hangga’t makakapag palibre, magpapa libre na lang.
Nagiging MADAMOT sa sarili pero ine-expect niya na makakatanggap ng “biyaya” mula sa ibang tao.
HINDI MARUNONG MAG-BUDGET
Ang iba naman ay sadyang hindi marunong mag HANDLE ng pera, kaya walang natitira para sa mga pang-relax na lakad.
Puro GASTOS ang nasa isip kaya kahit wala nang pera, gustong gusto pa din gumastos sa “tulong” ng mga kaibigan.
NAGING LIFESTYLE NA
Ang pagpapa libre ay NAKAGISNAN na. Nasanay na at naging parte na ng sistema kaya natural na natural na para sa kanila ang ganitong gawain.
Naging DEPENDENT na masyado sa ibang tao para sa mga ibang gustong pagkagastusan.
Yan ay ilan lamang sa mga possible reasons kung bakit may mga taong mahilig magpalibre. Wala naman masama sa libre pero kung umaasa na lang lagi dito, malaking problema na yun.
At kung isa ka sa mga taong mahilig magpa libre, gusto kitang i-challenge.
Sa darating mong sweldo, maglaan ka ng kahit magkano para makapag libre. Kahit sampung pisong fish balls lang para sa taong laging nanlilibre sayo. O kaya naman manlibre ka ng ocho pesos na pamasahe sa jeep. Or pwede din na ikaw naman ang mag “pasaload” ng limang piso sa taong laging nanlilibre sa’yo ng load.
Ilan lang yan sa mga pwede mong gawin para ikaw naman ay makapanlibre. Ikaw na bahala kung paano ka manlilibre o kung magkano ang ilalaan mo dito. Ang importante, maranasan mo ang manlibre.
It’s true na masaya makatanggap ng blessings mula sa ibang tao. Pero it’s also true na mas masarap sa pakiramdam ang maging instrument para makatanggap ng blessing ang ibang tao.
I really believe in this saying, “It is more blessed to give than to receive.” Try mo kahit once a month na pa-sampu sampung piso lang. At least matututo ka pa unti-unti kung paano magbigay at hindi lang palaging naghihintay at umaasa na ikaw ay mabibigyan.
THINK. REFLECT. APPLY.
Isa ka ba sa mga mahilig magpa libre?
Kung oo, ano sa tingin mo ang pwede mong gawin para matigil ang ganitong lifestyle?
Willing ka ba na i-take ang challenge ko na ikaw naman ang manlibre?
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Are you ready to be a blessing as well? You can also check out these other related articles:
- Are You Compassionate?
- PETMALU KAPAG MAY LIBRE!
- PETMALU SA KAKURIPUTAN
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.