May mga kilala ba kayong mga tao na walang konsensya?
Hindi lang yung mga sangkot sa masasamang gawain, pero yung mga taong kung manakit ng damdamin ay walang nararamdaman pagsisisi o pagkahiya?
Tulad ng ano Chinkee?
- Pinakisamahan mo ng maayos at ibinigay mo naman ang gusto pero lolokohin ka lang pala
- Wala kang ipinakita kundi kabutihan at sinseridad pero nung hindi nakuha ang nais nila, ikaw pa lumabas na masama
- Naging mabuti ka naman sa kanila pero kaya pa din nila magsinungaling sa iyo ng harapharapan at magmanipula.
Sa mundong ginagalawan natin ngayon, tila marami na sa atin ang naka experience ng ganito. Masakit man isipin pero minsan, kung sino pa ang hindi natin inaasahan, sila pa yung nakakagawa nito sa atin.
Bakit nga ba may mga taong walang konsensya?
SELF-CENTERED
Para sa isang taong hindi nakokonsensya, wala silang iniisip kundi ang kanilang mga sarili– hindi ang damdamin na iba.
Ang agenda lang kasi nila ay ang magkaroon ng self-satisfaction kaya gagawin nila ang lahat para mapa sa kanila ang gusto nila kahit na may matapakan silang tao.
WALANG PINAGKATANDAAN
Ito yung mga taong nakagawa ng kasalanan pero para sa kanila ay simple lang yung naging consequence. Hindi talaga sila natuto kaya malakas ang loob na ulit-ulitin ito.
Kunwari:
- Ninakawan at nagsinungaling sa magulang: Pinagalitan lang at sinigawan.
- Hindi nakabayad ng utang sa kaibigan: Hindi lang kinausap ng isang linggo, nagkalimutan na.
- Niloko ang partner/ asawa/ kasintahan: Nag-sorry lang, pero balik naman sa dating gawi.
And speaking of consequences…
THEY’RE NOT THINKING LONG TERM
Ang nakikita lang nila ay yung “at the moment” consequences. Feeling kasi nila, “eh, papatawarin din naman ako niyan” or “hanggang ganyan lang naman kaya niyan”.
Pero ang hindi nila iniisip, na kapag patuloy nilang niloko at sinaktan ang mga tao sa paligid nila, sila na din mismo ang susukuan hanggang sa dumating ang oras na wala na silang malapitan.
ANG SALITANG “SORRY” AY BALEWALA
Hindi nila naiintindihan ang totoong kahulugan ng “Sorry” o paghingi ng tawad.
Para sa kanila kasi, it’s just an ordinary word when in fact, once na sinabi iyon at hiningi sa mga taong naapektuhan, nangangahulugan na gagawin mo ang lahat para hindi na uli makasakit ng damdamin kasi importante sayo ang taong iyon.
THINK. REFLECT. APPLY.
May mga kakilala ka bang mga taong walang konsensya?
Ano sa palagay mo kung bakit sila ganito?
Unawain mo na lang sila kaysa magpa-apekto ka sa kanila.
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? You can also check on these related posts on how to deal with difficult people:
- How To Deal With People Na Walang Sense Kausap
- How To Deal With Self-Centered People
- HOW TO DEAL WITH UNREASONABLE PEOPLE
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.