May mga pagkakataon bang nakapagsinungaling ka sa magulang, kaibigan, o ka-opisina mo? Sa anong dahilan?
Eh, meron ka din bang kilalang hindi nagsabi ng totoo sayo? Bakit kaya nila ginawa ito?
Heto ang Ilang mga halimbawa:
“Ma, mag-overnight kami dun sa kaklase namin ah, gagawa kasi kami ng project” (Pero gigimik pala kayo ng mga kaibigan mo)
“Opo Sir, natapos ko na po yung pinapagawa ninyo” (Pero ngayon mo pa lang sisimulan)
“Ha? Wala naman akong nakukuhang text ah” (Pero na-receive mo naman talaga, ayaw mo lang pumunta)
Ang isa sa hindi ko kayang makasama ay ang mga taong SINUNGALING. Masakit sa pakiramdam na yung taong nakakausap mo o pinagkakatiwalaan mo ay hindi nagsasabi sa iyo ng totoo, whether to escape from accountability or even if it is just to make you feel better or kahit ano pa ang reason niya sa pagsisinungaling.
Ang kanilang paniniwala:
“The things you don’t know won’t hurt you”
Pero para sa akin:
“That things that you don’t know can destroy you”.
Bakit destroy? Dahil ninanakawan nila ang mga tao sa paligid nila ng karapatan para malaman ang totoo, masakit man ito o hindi.
Ano nga ba ang dahilan bakit may mga taong mahilig magsinungaling?
1. MAPAGTAKPAN ANG PAGKAKAMALI
May mga taong ginagawa ito para hindi “masyado” mapagalitan o yun bang mabawasan man lang ang inis ng mga taong naperwisyo nila.
Iniisip kasi nila na baka hindi sila tanggapin o lalo silang i-judge ng mga kasama nila kapag nalaman nila ang totoo. So by lying, baka sakaling maintindihan sila.
2. MALIPAT SA IBA ANG SISI
Alam naman nilang may mali silang nagawa pero para hindi masira ang kanilang image na iniingatan, ibabaling nila sa iba ang sisis. Hahanap sila ng taong isasali sa kwento na kapanipaniwala at pwedeng i-name drop para lamang hindi sila ang ma-pinpoint na nagsinungaling.
Dalawang problema ang nakikita ko dito. Ang una ay nandadamay tayo ng inosente. Napapahamak at nalalagay sa peligro ang ibang tao, na kadalasan ay wala naman kinalaman. Pangalawa, para hindi ka mabisto you will end up building up on more lies para lamang mapagtakpan ang unang lie mo.
3. MAIWASAN ANG CONFRONTATION
Instead of saying:
“Hindi ka kasi fit for this group, eh”
They’ll just say:
“Sorry ah, complete na kasi yung list of members namin. Sayang”
Ito yung mga taong mas pipiliin ang hindi magsasabi ng totoo para matapos na lang ang usapan. Para sa kanila, lying or using “safe words” is the best way para hindi na mag-cause ng possible negative reactions yung tao kapag nalaman ang totoo.
4. PARA MAKAISA
Ito yung mga taong uma-acting para lang makakakuha ng sympathy, makalamang, o makahanap ng chance na abusuhin ang power o kabaitan ng iba.
In other words, minsan may mga taong mahilig manggulang.
Grabe, di ko keri ang mga taong ganito.
Paano nila nakakayanan matulog ng mahimbing kung lahat ng kanilang nakukuha ay sa pamamagitan ng pang-gugulang at pagsisinungaling?
MERON BANG MAGANDANG MAIDUDULOT ANG PAGSISINUNGALING?
THINK. REFLECT. APPLY
Bakit ka nagsinungaling sa kakilala mo o bakit nagsinungaling sa iyo ang taong pinagkakatiwalaan mo?
Ano ba ang kinakatakot mo sa pagsasabi ng totoo?
Paano ka makakabawi sa kanya/kanila?
WHY DON’T WE LEARN TO BE HONEST AND BE CAREFUL WITH THE TRUST THAT IS GIVEN TO YOU.
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? You can also check these related articles about dealing with difficult people:
- Bakit May Mga Taong Mahilig Maglihim?
- Bakit May Mga Taong Mahirap Kausap?
- BAKIT KAYA MAY MAGULONG KAUSAP?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.