Lagi ka bang kinukulit ng mga
credit card companies?
Sasabihin na kapag hindi nakabayad,
lolobo ang bill?
Na kapag hindi nagbayad, lalaki ang interest?
At kapag hindi nagbayad,
may pupunta sa bahay o tatawag sa atin
para maningil?
Well, totoo yun.
Pero kadalasan, aminin n’yo,
minsan, tayo pa yung nagagalit.
Tama ba?
“Eh kasi tawag ng tawag!”
“Ang kulit kulit nila masyado!”
“Nananakot pa silang pupunta sa bahay”
Unang una, ginagawa lang din
nila ang trabaho nila.
Pangalawa, maaaring may nasasabi sila
kasi nga tayo din naman mismo ang nagtatago.
Pangatlo, hindi tayo aabot sa ganon
kung naging maingat tayo sa pag gamit ng card.
Kaso, umabot na tayo sa
ganong senaryo kasi…
NAG FEELING TAYO NA MAY AVAILABLE BUDGET
(Photo from this link)
Sa sobrang saya natin makita
na malayo pa tayo sa ating credit limit,
hanggat ina-accept pa ng mga cashiers,
‘kala natin iyon din ang ating available money.
Eh kaso hindi naman ganon.
Utang yon kada swipe.
Not unless kaya natin bayaran yung pinurchase.
But if not, UTANG yun. UTANG.
Hindi sa atin. HIRAM lang sa bangko.
Kaya tuloy pagdating ng billing statement,
hindi na natin alam saan kukunin
Kasi unang una, wala naman talaga sa budget.
TAKAW TINGIN
(Photo from this link)
“Uy may sale!”
“OMG! 50% off!
“Parang kailangan ko ito”
“Magagamit ko ito pramis!”
Ayun dahil sa pagiging takaw tingin
eh nadala tayo sa mga nakikita natin.
Eh tapos wala rin naman tayong cash
kaya si credit card ang ating sandigan.
Feeling kasi natin lahat kailangan natin.
Yung mga damit nga natin at sapatos
biglang naluluma eh. Haha.
Yung cellphone natin, biglang nasisira.
Kesho, sira ang screen, bagal magcharge,
hindi nababasa yung sim card, etc.
‘Di dahil totoo, kundi dahil,
ginagawan na lang natin minsan
ng storya, ma-justify lang ang ating pagbili.
Kapag nakakita tayo ng gusto natin,
nagiging impatient tayo bigla.
At ang masaklap para mag…
PAYABANG LANG
(Photo from this link)
“Guys may new phone na ‘ko”
“Nabili ko na yung bag katulad dun sa artista”
“Nag shopping lang naman ako kahapon”
Signal no. 5 na sa kayabangan
para lang maging bida sa mga kaibigan.
At dahil may inaalagaan na “image”,
ayun, always trying hard to keep up.
Kahit walang wala na,
swipe all the way pa rin
para ‘di masira sa mga kamag-anak at kaibigan.
“Kapag ginamit ang credit card para magyabang, tiyak utang ang kababagsakan. Dahil pinipilit nating magmukhang mayaman pero no budget naman.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Palagamit ka ba ng credit card?
- May available budget naman ba o wala?
- Paano mo kokontrolin ng maayos para ‘di mabaon sa utang?
===================================================
WHAT’S NEW?PISO PLANNER
Mag-plano, mag-budget, mag-ipon, at makawala sa utang with the new PISO PLANNER:
A Financial Planner for Every Juan! Chinkee Tan’s latest and newest product na pwede ng mapasayo for only P399+100 sf.
At ito pa, for a LIMITED time only, I will also give you MY BADYET DIARY book for FREE!Click here now: http://bit.ly/2EHIRXm
BE READY TO MAKE MILLIONS! Join the BECOME A MASTER PROSPECTOR:
How to Earn Your Millions by Prospecting.Click here to register and avail the EARLY BIRD RATE: https://chinkeetan.com/prospector
April 20, 2019
Saturday, 9PM to 12MN (Manila Time)✔️Master the tricks and trade of master prospectors.
✔️Close a deal in the first meeting.
✔️Get people hooked and let them order again and again!
✔️Learn prospecting techniques that work.
✔️Get more clients and grow your income, business, and life!- =====================================================MONEY KIT 2.0
- BOXSET: Click here: http://bit.ly/2RyrcZv for P3,499
All 11 books
My new book, BADYET DIARY|
Ipon Can 60k challenge
Free shipping Nationwide
DIGITAL: Click here: http://bit.ly/2TAzrSr for P2,499 -
Downloadable Ipon Stickers (60k challenge)
Downloadable Badyet Diary (New book)
11 Downloadable Chinkee Tan books=====================================================
DIARY SERIES AT BUY ONE TAKE ONE!Iponaryos unite! Chinkee Tan’s three most popular new releases will help you in your road to financial freedom.
Maging wealthy at debt-free! Get this bundle now for only 450+100 Sf!
Click here now: http://bit.ly/2STBuB4
=====================================================
BADYETARIAN ENVELOPE SYSTEM
Maging BADYETARIAN Para YUMAMAN! Build the Habit of Sticking to Your BADYET with an Easy-to-Implement System. DON’T MISS THIS CHANCE TO BECOME A BADYETARIAN FOR ONLY P299+100 SF!
Click here now: http://bit.ly/2AZN0Ed✓Easy to Use
✓Simple
✓Actionable
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.