Para kanino ka bumabangon?
Para sa pamilya, asawa, mga anak
o para sa mga bayarin?
Hindi naman natin makakaila
na kayod kalabaw tayo dahil
may mga kailangan tayong bayaran at
mga obligasyon na dapat gampanan.
Nandiyan ang bayad sa:
- Kuryente
- Tubig
- Matrikula
- Upa sa bahay
- Amortization
- Bayad sa loan
At kung anu-ano pa!
Grabe ang dami!
Minsan tinatamad na tayo magtrabaho at
napapatanong na lang ng:
“Ito na lang ba ang purpose ko sa buhay?”
“Hanggang kailan pa Lord?”
The more we consider these things as PROBLEMS
the more tayo hindi mamo-motivate.
Araw-araw feeling natin kailangan kaladkarin ang mga paa
just to get through the day.
Yung tipong kagigising lang at
kasisimula pa lang ng araw
gusto na natin matapos ito.
Alam n’yo yung sikreto para
we won’t feel this way?
Let me share with you some of my secrets:
BUMABANGON AKO PARA KAY LORD bayarin
(Photo from this Link)
Binigyan tayo ni Lord ng bagong umaga para
gawin ang mga dapat gawin.
Opportunity na makita ang mga mahal natin sa buhay,
chance na ipamalas ang ating talento sa trabaho.
Napaka swerte natin ‘di ba?
With this is mind, gaganahan ka talaga eh.
Biruin mo yung iba
gusto magtrabaho, hindi makapagtrabaho.
Ang tagal nang naghahanap ng mapapasukan, ‘di makahanap.
Wake up with a joyful heart!
Rejoice for this brand new day na
ipinagkaloob sa atin.
Iparamdam natin sa Kanya na tayo
ay nagpapasalamat.
BUMABANGON AKO PARA SA AKING ASAWA AT ANAK bayarin
Happy family, happy me.
Happy in the sense na, nakikita kong
maayos sila, nagiging good provider ako,
at masaya sila dahil cute daw ako.
Hahahaha!
No, I mean masaya sila
sa paraan na kung paano natin pinapatakbo ang
pamilya natin.
Hindi man perpekto, pero
nagagawa natin ang lahat para
ibigay ang kanilang pangangailangan
bilang haligi ng tahanan.
Masarap magtrabaho knowing that
at the end of the day, we can say na
“I did good today.”
Mas lalo pa natin pagsisikapan at
pag-iigihan ang ating trabaho.
BUMABANGON AKO PARA SA GOAL KO FOR THE DAY
(Photo from this Link)
Ako personally, I am so happy and energetic
lalo na kapag natutulungan ko ang mga taong
nagse-send ng personal messages sa aking
Facebook at ishe-share ang kanilang progress.
Masaya ako kapag nakakapag-talk sa ibang tao
dahil sa feedback na may natututunan sila.
Gano’n din sa ating kanya kanyang trabaho.
Our accomplishments should motivate us more
lalo na kapag…
- Na meet natin ang requirements
- Happy ang ating mga clients
- Satisfied si boss
- Natapos natin ang ating mga to-do list
So ngayon I ask:
Masaya ka na bang bumangon dahil
sa mga ito?
I hope this blog changed your mind.
“Friends: Para kanino ka bumabangon?
Me: Yung totoo? Para sa mga bayarin!”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Para kanino o saan ka bumabangon noon?
- Eh ngayon para kanino o saan na?
- May nabago ba sa iyong pananaw?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: https://chinkshop.com/products/my-ipon-diary
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://shop.chinkeetan.com/product/diary-of-a-pulubi/
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“5 SIGNS IF A PERSON IS GOING TO BE POOR ”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2sWGDzC
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ https://chinkshop.com/pages/moneykit
=====================================================
UPCOMING SEMINAR
“Happy Wife, Happy Life LIVE STREAMING”
Registration: P950 per couple
March 10, 2018
With ONE MONTH Free Access and FREE Book
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.