Wala ever nag-planong malubog sa utang at ma-stress dahil sa pera.
Pero hindi natin pwedeng diktahan kung ano ang pag ikot ng buhay. Maraming pwedeng mangyari sa isang iglap.
At kapag hindi tayo handa, siguradong trahedya ang kakaharapin natin.
Ika ng isang matandang kasabihan, “kapag may itinago, may madudukot.” Sa oras ng sakuna o sa panahon na may biglaan tayong pangangailangan, maganda na meron tayong naka-reserba.
Mainam na meron tayong emergency fund na nakalaan para sa ganitong mga pagkakataon. Kasi kapag wala, ito ang maaaring mangyari sa atin:
KAKAPIT SA PATALIM
Kung walang malapitan at mahiraman.
Kahit sino ang magpapahiram ng pera ay tatanggapin.
Pero ang nakakalungkot, imbis na makatulong ito pa ang magbabaon sa sa malalim ng problema.
Bakit? Dahil sa…
MALULUBOG TAYO SA UTANG
Tiyak na mataas ang interest ng magpapahiram sa iyo.
Madaming nananamantala lalo pa kapag alam nilang gipit ka.
Ang matindi kapag nagkapatong – patong ang utang. Nakakalungkot pa, lahat ng sweldo at kita ay mapupunta lang sa pagbabayad ng utang. At kung ito ay nagpatuloy, dito na….
MALULUGMOK SA DEPRESYON
Very traumatic na yung maka-experience ng mga pangyayaring na hindi inaasahan. Lalo na yung mapunta ka sa sitwasyon na di na makapag isip ng maayos dahil sa matinding problema. At kung wala ng pera na pambayad dito na papasok ang pagiging hopeless. Dito naman papasok yung feeling ng depression.
Sana, kapulutan natin ito ng aral at sikapin natin na maiwasan itong pangyayaring ito.
“The lack of financial planning can be a major source of stress”
-Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY
- Do you have an emergency fund?
- If none, when do you plan to build it?
- Anong strategy mo para mabuo mo ang emergency fund mo?
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
https://chinkshop.com/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.