Q
Ikaw ba ay may biyenan na ngayon?
Or malapit ka na magka biyenan?
Uy congrats, magkakaroon tayo
ng additional family member na
pwede nating lapitan at ituring
na pangalawang nanay o tatay.
Gusto ko nga pala batiin ang
aking pinakamamahal na biyenan!
Hahaha.
Anyway, kamustahin ko lang,
kamusta ang inyong relasyon sa kanila?
Kapag ba kayo’y nagkikita, kayo’y…
- Nag-iisnaban?
- Nagtatarayan?
- O talagang one happy family?
Well I hope you are all happy together.
Walang away o bangayang nagaganap.
“Paano Chinkee kung hindi talaga kami magkasundo?”
“Kakainis kasi sila, pakialamera!”
“Hay nako, nakikipag-agawan sa anak eh may asawa na nga.”
Maaring may iba sa atin ay may hugot
pagdating sa biyenan.
Pero nand’yan na ‘yan
kahit pagbali-baliktarin,
magulang pa din sila ng ating asawa.
Anu-ano ba yung klase ng mga biyenan
at paano natin ito ihahandle ng maayos?
THE “ME-MA”
(Photo from this Link)
Lahat papansinin.
Lahat pupunahin.
“Bakit ganyan ka manamit, may asawa ka na noh..”
“Ha? Magtatrabaho ka, kanino mo iiwan mga bata?”
“Ano, pinayagan mo anak mo mag sleepover?”
Hangga’t may nakikita silang mali o ayaw nila,
hindi sila titigil magsalita.
HOW TO DEAL:
Labas lang sa kabilang tenga.
Hindi naman tayo mananalo sa kanila eh
maski tingin nating tama tayo.
Hangga’t walang nagbababa ng pride,
hindi matatapos ang usapan.
Kung tingin nating
wala naman tayong ginagawang masama
then we don’t need to be defensive.
THE “SURPRISE”
(Photo from this Link)
- Sila yung pupunta ng walang pasabi.
- Laging tumatawag sa ating mga asawa.
- Kukunin yung mga bata ng hindi nagpapaalam.
- Gugulatin na lang tayo na napagplanuhan na
pala nila ang buhay natin.
“Sa Sunday DAPAT dito kayo ah..”
“Hindi na, kami na nagbayad para sa birthday ng aming apo.”
“Out of the country tapos kayo lang? Kasama dapat kami!”
HOW TO DEAL:
We have to put our foot down.
Tayo ang last say sa kahit anong
may kinalaman sa ating pamilya.
We don’t have to get angry.
Hindi din natin sila kailangang bastusin.
Sabihin lang natin:
“Sorry pero naka-plano na po ang Sundays namin.”
“Kami na po ang bahala sa birthday.”
“Sige soon, sama sama naman po tayo.”
Gano’n lang.
We can say it honestly and respectfully at the same time.
THE “TULUNGAN MO KAMI” LINE
(Photo from this Link)
“Padalan mo naman kami, wala na kaming pera..”
“Ikaw na muna bahala sa kuryente’t tubig ah..”
“Ito lang? Dagdagan mo naman, OFW naman asawa mo.”
Hingi dito, hingi doon.
Basta pagkakagastusan, lalapit sila.
Hindi lang sila, kundi buong angkan nakaasa na.
Pati birthday ng apo sa kuko, pinapasagot sa atin.
HOW TO DEAL:
Walang masama tumulong.
Wala din naman masamang tumanggi.
Explain to them na may mga iba tayong pinagkakagastusan.
Na kailangan din natin mag-ipon para
sa araw-araw na gastusin
especially para sa mga bata.
They have to understand and
they NEED to understand.
Pwede naman tayo tumulong sa ibang paraan.
- Tulungan sila magbuild ng hanapbuhay.
- Turuan sila magbudget at mag-ipon.
- Gabayan sila paano mapapalago ang pera.
“Mahalin at Igalang natin ang ating mga Biyenan dahil sila ang dahilan
kaya nandito ang ating mga asawa ”
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Do you give respect to your in-laws?
- How do you show it?
- Paano ninyo sosolusyunan ang issue ng may paggalang pa din?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
UPCOMING SEMINAR
RAISING MONEYWISE KIDS PRESENTS:
“HOW TO RAISE ENTREPRENEURIAL KIDS IN 10 EASY STEPS”
4 DAYS TO GO!!
Live Event: http://bit.ly/2FoZSD1
Team Bahay/ Team Abroad: http://bit.ly/2r5XaOb
=====================================================
IPON KIT (Ipon Can + My Ipon Diary Book)
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
1 Ipon kit P300 +100sf
IPON DIARY:
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“Bakit may mga Taong Nababaon sa Credit Card Debt?”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2wNatJ1
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.