As I was browsing on my Ig and Fb,
masayang makakita ng taong nag-e-enjoy na
ng kanilang summer vacation.
Yung iba sa ibang bansa, pero karamihan sa beach.
Pero alam n’yo yung pumukaw sa aking puso
at nakakuha ng aking atensyon?
Hindi lang ang mga magagandang pictures
kundi pati na rin ang mga comments ng ibang tao
pati na din sa mga artista o sikat na personalidad.
“Jusko, bakit ang taba na niya?”
“Ang payat na niya para ng kalansay.”
“Panget, hindi bagay sa kanya swimsuit.”
“Ang lakas ng loob ni ate, dami namang stretch marks.”
“Ang dilim…ng kili-kili ni atey!”
Grabe! Grabe talaga!
Sorry ah pero nakapanghihina makabasa ng ganito.
Nakalulungkot na naninira tayo ng kapwa.
Tayo ang tinatawag na ultimate BASHER.
Anong kasalanan ng taba nila sa atin?
Kung mapayat sila, naagrabyado ba tayo?
Sinaktan ba tayo nung stretch marks o
nung kilikili para magsalita tayo ng ganito?
I believe not.
Walang pakialamanan mga KaChink.
Tandaan natin na…
HINDI DIN TAYO PERPEKTO body shaming
(Photo from this Link)
Sino bang taong perpekto?
Wala naman ‘di ba…si Lord lang.
Lahat tayo may weaknesses,
lahat tayo may flaws,
pero hindi ibig sabihin na dahilan na ito
para manlait tayo ng kapwa.
Ako nga maliit para sa lalaki eh
pero keri lang. Tanggap ko na iyon. Hahaha.
Gano’n din sana tayo.
Kung sila tanggap nila ang flaws nila,
dapat tayo din tanggap natin.
Besides, hindi naman nila tayo inaano.
TINGIN TINGIN DIN SA SALAMIN PAG MAY TIME body shaming
(Photo from this Link)
Nakikita natin sila,
pero minsan ba ay natignan na natin
ang ating mga sarili?
Kung sila napuna natin ultimo
kaliit-liitang bagay,
ang sarili ba natin, napuna na natin?
Mas maganda kung tayo ay haharap sa salamin
para ma-realize natin na:
“Hindi pala maganda mamuna ng kapwa.”
“Kapag pinansin nila ako, masasaktan din ako.”
“Siguro kung ako nasabihan niyan, mapapahiya ako.”
Let’s put ourselves into their shoes first
para matuto tayo pumreno at kumabig.
SEE THE BEST IN EVERY PERSON body shaming
(Photo from this Link)
Instead of body shaming,
bakit hindi natin tignan kung
anong maganda sa kanila?
- Magaling magsalita sa crowd?
- Ang ganda ng kulay niya?
- Mahaba ang biyas?
- Ang shiny ng buhok?
Madami ‘yan. Madami.
Kailangan lang natin matutong
i-change ang perspective natin
pagdating sa ating kapwa.
MANAHIMIK KUNG WALANG MABUTING SASABIHIN
(Photo from this Link)
Kung walang sasabihing maganda,
kung tingin natin ay makasasakit lang tayo,
eh manahimik na lang.
Huwag na mag-comment.
Pwede naman natin i-unfollow.
O kaya scroll up na lang kaagad.
“Say NO to Body Shaming.
Manahimik kung walang magandang sasabihin.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Biktima ka ba ng body shaming? O ikaw mismo ay guilty sa pagpuna sa kapwa?
- Anong maganda ang nakikita mo sa kanya?
- Willing ka bang baguhin ang perspective mo sa kanya?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off +2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“ESTABLSHING A PIGGERY BUSINESS”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2HT1XKk
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.