“Hmm, ano kaya bibilhin ko sa bonus ko?”Bonus
“Saan ko kaya pwede gamitin?”
“Bet ko gumasta ngayong pasko!”
Maaaring karamihan sa atin
ay nag-iisip na kung saan gagamitin
ang bonus na matatanggap.
Ang dami ng nakasulat sa ating
mga wishlist at nangangarap na
sana lumapag na sa palad natin
para naman mabili na ang gusto
o magamit na pang travel.
But I want you to think about this.
Are we really going to put it ALL
sa mga materyal na bagay?
Yung mga bagay na after natin mabili,
ilang buwan o taon lang, waley na?
at ang matitira na lang ay alaala?
“Chinkee pinaghirapan ko naman ito”
“Karapatan naming bumili ng gusto namin”
Relax lang friends.
Yes, it is always okay to buy
something for ourselves but it’s also
better to understand na hindi mahirap
kumita ng pera.
Ilang overtime at kape lang naman ang ating
nilaklak para makamit ang bonus na iyan.
Kaya mabuti siguro kung gagamitin natin
ito na long term ang effect at the same time,
pwede nating patubuin.
Saan ba pwede?
EMERGENCY FUND Bonus
(Photo from this link)
Noong mga panahong tayo’y nagkasakit,
Na flat-an tayo ng sasakyan, nasira ang bubungan,
nadelay ang sweldo n’yo ni mister, hindi ba’t
kailangan pa nating manghiram, mangutang, at
magmakaawa para lang makabayad tayo?
Kasi dati, hindi natin ito napaghandaan.
Hindi tayo nakapagtabi.
Pero ngayong may pera na,
pwede na nating ipunin at ilagay sa
ating emergency fund.
May mangyari man uli na hindi inaasahan,
may madudukot na tayo at hindi na
kailangang galawin ang budget para sa
ibang mahahalagang bagay, plus,
hindi na natin kailangang mangutang pa.
INVEST IT! Bonus
(Photo from this link)
Ang dami dami ng nagsulputang
uri ng investment. Nandiyan ang
life insurance, educational, accident,
stock market, mutual fund, time deposit,
VUL and many other more.
Pwede rin namang investment
para makapagtayo ng maski maliit na negosyo.
And when people are asking about this,
I always say to invest an EXTRA money.
And since this is an extra money,
go na go ang idea na ito.
But first, you need to study ALL!
Huwag papasok sa hindi sigurado.
Huwag mag sa-sign up dahil sabi lang ng agent.
At huwag maglalabas ng pera dahil
napangakuan lang na dodoble ito.
ARALIN MUNA PLEASE!
Ang when we’re ready, invest it at
kakalimutan natin na meron tayong
perang inilagay dun para we can
leave it long term because that is how
investment works para makita ang growth.
TAKPAN AT AYUSIN ANG TAGAS Bonus
Dahil sa…
- Leak sa CR, ang taas ng bill ng tubig.
- Sirang sasakyan, ang laki ng nakokonsumong gasolina.
- Palyadong ref, lumalaki ang bayad sa kuryente.
Iilan lamang ‘yan sa mga bagay sa bahay
na hindi natin pinapansin dahil wala
tayong pang paayos.
But the more na hinayaan natin ito,
Lalaki at lalaki ang problema at mas
mapapamahal pa ang gastusin.
Kung hindi mapaayos noon dahil
walang pera, ito na ang pagkakataon
para naman hindi tayo lumalagpas
sa budget dahil sa sira na dulot ng mga ito.
Hanapin ang tagas at huwag pabayaang lumaki.
Mag-invest na mapaayos ito.
Gagasta man, pero at least,
hindi na ganon kalaki ang babayaran natin
at magiging normal na ang lahat.
“Pinaghirapan at pinagsikapan nating makamit ang BONUS.
Kaya sana naman, tayo’y maging wais at gamitin ito nang maayos.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anong balak mo sa iyong bonus?
- Need ba ito o want?
- Paano mo ito gagamitin ng maayos para hindi masayang?
====================================================
WHAT’S NEW?
MY BADYET DIARY (NEW BOOK) for 150+100 sf
To order, go to http://bit.ly/2NUkSqi
Also available in BULK ORDERS
CHINKTV (ONLINE COURSE) for P799
How to Retire at 50
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
Chinoypreneur
To register, go to http://bit.ly/2PCd7Xi
ONE YEAR Access!
=====================================================
NEW VIDEO
“GUSTO MO BA MAGPA MENTOR SA AKIN?”
Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2CXZ4Z4
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.