Maraming mga Pilipino ang naghahangad magkaroon ng sarili nilang sasakyan. Ngunit sa panahon ngayon, praktikal pa nga bang bumili nito?
Kung nais mong bumili ng kotse, maaari kang mamili mula sa brand new o second hand. Alamin natin ang mga pros at cons at kung alin nga ba ang mas worth it bilhin sa dalawa.
BRAND NEW CAR
Ang pinaka-advantage ng brand new car ay mas nagtatagal ito at hindi masisira agad-agad. Wala kang masyadong problema sa pagpapa-repair nito dahil ito ay bagong bili pa. Talagang angat ka sa iyong mga tropa pag nakita nilang may minamaneho kang brand new na kotse.
Pero, ang disadvantage naman ay mas mataas ang cost nito kumpara sa second hand. Bumababa rin ang value ng brand new car ng 10-15 porsyento kada taon. May mga obligasyon ka pang dapat bayaran every month tulad ng tinatawag na monthly amortization.
SECOND HAND CAR
Sa second hand car naman ay wala ka nang aalalahanin pagdating sa monthly payment. Tiyak na hindi ka na mai-i-stress sa mga bayarin ‘di gaya ng brand new car. Hindi mo na rin iisipin ang mga monthly amortization, at iba pang mga fees.
Ang disadvantage nga lang ng second hand car ay madali na itong masira. Kailangan na nito ng maraming repair at tuloy-tuloy na maintenance. Depende sa brand at condition na iyong mabibili, maaaring may mga scratches na ang kotse o kupas na ang pintura nito.
TANUNGING MABUTI ANG SARILI
Bago bumili ng sasakyan, tanungin munang mabuti ang sarili kung talagang handa ka ba sa pagbili. Pa’no na lamang kung hindi ka na makababayad consistently? May mga tinatawag na late fees o interests, na kapag hindi ka nakabayad on time, maaaring ma-remata ang iyong kotse. Lahat ng pinaghirapan mong bayaran ay mawawala na lamang na parang bula.
Isa pa, ang mga kotse ay hindi nag-a-appreciate in value, kung hindi nag-de-depreciate every year ng 10 percent. Ang 1.4 milyon na bili mo sa iyong kotse, ay pwedeng maging 500,000 pesos na lamang sa loob ng 5 taon. Talagang ikaw ay lugi kung sakali mang maisipan mo itong ibenta.
Brand new man o secondhand, may kanya-kanya itong pros and cons. Ang importante sa lahat ay may kakayanan at may budget kang bumili ng sasakyan. Mas maganda kung talagang afford mo ito at mababayaran mo in cash.
Kung anuman ang piliin mo sa dalawa, tandaan lamang na…
“Whatever you want to buy depends on your capacity to pay.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Bakit gugustuhin mong bumili ng sasakyan?
- Mas okay bang hulug-hulugan o bayaran ng buo ang bibilhin mong sasakyan?
- Paano mo mapag-iipunang mabuti ang pagbili ng sasakyan, brand new man o second hand?
—
WATCH: Anong Pipiliin mo: Brand New Or Second Hand Car?
RETIRE YOUNG AND LEARN HOW TO INVEST: Invest and do the right thing. Enroll now sa aking online course HOW TO RETIRE BEFORE 50.
Click here to learn more: https://lddy.no/8vaq
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.