Feeling mo ba trapped ka sa trabahong hindi mo naman gusto?
Kulang nalang kaladkarin mo ba ang sarili mo araw-araw sa trabaho.
We’ve all been experienced this at some point in our lives. Marahil ang iba sa atin, nalampasan na ang chapter na yun habang ang iba naman, struggling to get out of that trap.
We all want to live our life to the fullest.
Sino ba namang may ayaw na ma-achieve ang ating maximum potential?
Yung nga lang, sadly, dahil ang goal natin ay kumita ng pera, nagtitiis tayo at pumapayag na manatili sa kung ano ang nakasanayan.
Kaya Kapatid, kung gusto mong pumasok sa trabaho naka- todo ngiti you need to:
KNOW YOUR PASSION
Ano ang isang bagay na love na love mong gawin?
Yung tipong kahit magsunog ka ng kilay at lumuha ka ng dugo, keri lang kasi ang saya mo lang.
Eh di yun ang gawin mo!
Why? Because that will add value and meaning to your life. Makakaramdam ka ng sense of fulfillment kapag ginagawa mo ang isang bagay na tugma sa strength, skills and talents mo.
PURSUE YOUR PASSION
Take a bold step. Medyo risky at nakakatakot, but jump right in!
Eventually, you will realize that it’s all worth it. Kahit makarinig ka ng sangkatutak na negative comments and negative suggestions, don’t let it bring you down. Sundin mo ang kabig ng puso mo kaysa habang buhay kang nagsisisi na bakit di mo nagawa ang dapat mong gawin.
COMMIT YOURSELF TO YOUR PASSION
Kapag natagpuan mo na ang passion mo at nag-decide ka ng gawin ito, commit yourself to it. Lalo mong mahalin ang ginagawa mo, add value to yourself by investing on learning and enduring every challenge that comes your way.
KNOW, PURSUE and COMMIT to your PASSION.
“Do what you love and love what you do
dahil mas sulit ang pagod kapag LOVE mo ang trabaho mo”
-Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY
- Do you love what you do?
- Are you pursuing your passion?
- Are you on the right track or still struggling to get out of a trap?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.