In business, it is very important that we build good
relationships with our clients. It is more than selling
your product but also helping them in their problems.
Our goal is not just to hit our target sales but to find our
purpose. Ano ba ang halaga ng produkto natin at paano
ba ito makatutulong sa ibang tao at sa mga mahal nila?
We should always think as if we are the actual customers.
We have to take care of our clients and value them.
Dahil kung makikita nila ang concern at purpose natin, they will stay.
So how are we going to build a good relationship?
EXTEND GOOD CUSTOMER SERVICES
Mahalaga ang after sales. Hindi ibig sabihin na after ng kanilang purchase ay tapos na. It is just the start to give support.
Mahalaga na kapag nilapitan, handa tayo.
Kaya dapat alam na alam natin ang produkto natin.
Nakahanda tayo sa maaaring itatanong nila at
alam natin ang posibleng problema at solusyon dito.
We should really know the ins and outs para kapag
nagkaproblema we know where to look at and we
know how to handle the situation.
We give more than what is expected from us because
we care for our clients and our customer service and
support team as well.
Yes. You read it right!. At the end of the day, pwede rin
nating customers mismo ang mga employees natin. Kaya
mahalaga na equal din ang natatanggap nilang treatment.
SEND GIFTS THAT WILL REMIND THEM OF YOU
“Naku Chinkee, gastos lang ‘yan!”
“Hindi naman nagbibigay yung iba.”
“Mahalaga ba ‘yan?
Hindi naman natin reregaluhan ng pagkamahal-mahal
ang ating mga clients sa paraan na ikalulugi natin.
But we have to exert effort to make them feel special.
Example, Pasko. May simple gift tayo sa customers
natin. Imagine sa lahat ng binilhan nila, tayo lang ang
nakaalala sa kanila. Maaalala rin ba nila tayo?
The answer of course will be: Yes. So make a mark,
but of course a better mark. Mahalaga ito kasi pwede
ring maging testimonies that will also help us in return.
It will help us to market our own brand. So ang mahalaga
that we make good investment. Consider it as an
investment when we give gifts sa mga customers natin.
HELP YOUR CLIENT ACHIEVE WHAT THEY NEED
Kailangan din alam natin kung bakit bumili ang mga
customers sa atin. Ano ba ang needs nila? Bakit sila bumili
ng damit sa atin? Dahil ba maganda ang quality?
Bakit hindi sila bumili sa iba? Dahil ba mas mura ang
offer natin? Dahil ba mas maganda ang customer
service natin? Mahalaga ang opinyon at saloobin nila.
Magiging strength kasi natin ito in the long run. At the
same time, we need to maintain the excellent service kapag ganito ang
magandang feedback natin sa mga customers.
Maganda man o hindi, mahalaga na alam natin kung
nakatutulong ba tayo sa kanila or pakiramdam lang
nila that they are just wasting their own money.
In this case, we need to change
because we are not building a good relationship with them.
In return, it won’t be nice to our business as well.
“Bumuo nang magandang relasyon sa ating customers
dahil mahalaga ang maayos na epekto natin sa ating consumers.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang magandang naitutulong ng business mo sa ibang tao?
- Anu-ano ang mga ideas na puede mo implement para magkaroon ka ng mas maraming suki?
- Paano mo pinahahalagahan ang mga customers mo?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.