Marami sa atin ang gusto ring magsimula ng sarili nating negosyo. Ngayon din ay magandang panahon para simulan gumawa ng plano at pag-isipan ito.
Narito ang ilan sa mga kailangan isaalang-alang kung gusto natin simulan ang ating negosyo.
MONEY
Syempre naman mahalaga na may nakalaan tayong pera para dito. Dito papasok yung tinatawag na calculated risk.
Kumbaga may emergency fund tayo na kung sakaling may unexpected na mangyari sa business, may back-up money tayo para makabangon.
Kaya para rin maging talagang successful ang business, siguraduhing alam natin ang industry na papasukin natin.
Kahit sabihin nating patok ang negosyong kukunin natin kung hindi naman natin aalamin ang pagpapatakbo nito, masyadong risky ang gagawin natin.
Kung maliit pa lang ang ating budget para sa ating business, maaari tayong magsimula sa social media. Gamitin na natin ito para makapagsimula ng marketing. Ang kakailanganin na lang natin dito ay maraming oras para aralin ito.
MANPOWER
Mahalagang tayo mismo ay hands-on sa business na gagawin natin. Dahil tayo rin ang pipili ng mga taong kukunin natin para sa business.
Kung hindi rin tayo familiar sa mismong business, mahihirapan din tayong pumili ng mga tamang candidates para maging employees natin.
Kaya mahalagang alam natin ang bawat gagawin ng mga tao natin para alam natin ang ating hahanapin. Gayundin kung sakaling may umalis man, alam pa rin natin ang pag-train sa mga bago.
Hindi mapipilay ang ating negosyo dahil tayo mismo ang utak at kamay nito.
MACHINE
Sa sobrang bilis na rin ng technology ngayon, dapat din ay alam natin ang mga kakailanganin natin na mga gamit. Kailangan din natin mag-invest sa mga ito.
Kailangan nating makisabay sa takbo ng mismong industry para hindi tayo mahuli at maiwan.
Mahalaga rin na alam natin kung paano gamitin ang ating social media para i-market ang ating mga produkto at serbersyo sa ibang mga tao.
Mahalaga rin ang mga kagamitan natin para mas mapadali at mas mapabilis ang trabaho natin. Kung mas madali at mas mabilis ang trabaho natin, mas marami tayong customers na maaaring i-cater at matulungan.
“Gawin natin ng may determinasyon at malinaw na plano,
para ang ating negosyo ay hindi biglang maglaho.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anong industry ang gusto mong pasuking negosyo?
- Anu-anong seminars at trainings ang maaari mong puntahan?
- Gaano kalaking halaga ang kakailanganin mo sa pagsisismula ng iyong negosyo?
Sali na sa “JUAN NEGOSYANTE: Negosyo Now! Asenso Later!” Online course and learn how to build your business from scratch. Ito pa, may ONE YEAR ACCESS pa! You can watch it anytime, anywhere for P799!
Register Now! Hurry and don’t miss this out!
Click here to reserve your slots: https://lddy.no/8var
-More than 20 videos
-Watch it over and over again.
**For a limited time only, you can access ALL 14 CHINK TV ONLINE COURSES for only P1598! Click here: https://lddy.no/8vbk
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.