Alam naman natin na ang mga kalamidad ay sadyang bahagi na ng buhay ng tao. Kaya naman, mahalaga na tayo ay maghanda para sa mga ito.
Lalo na para rin sa ating pamilya na umaasa sa atin. Mahalaga talaga na tayo ay nagtatabi ng ipon upang sa panahon ng kagipitan ay hindi tayo mapipilitang umutang.
Kahalagahan ng Calamity Fund:
MAY PANIMULANG BUDGET
Kapag may mga sakuna o trahedya na hindi talaga natin inaasahan, marami ang maaaring mawala sa atin. Una na rin dyan ang ating kabuhayan o ang source of income natin.
Kaya mahalaga na may pondo o ipon upang may panimulang budget. Yung ultimong pambili ng pagkain ay hindi na natin magiging problema at maaari pa rin mabuhay nang matiwasay ang ating pamilya.
HINDI NA KAILANGAN PANG UMUTANG
Tulad din ng nasabi ko kanina, hindi na kakailanganin pang mangutang o manghiram sa ibang kaanak o ibang tao dahil may calamity fund na naitabi.
Hindi naman natin hinihiling na may mangyaring hindi maganda sa ating lugar, ngunit iba pa rin ang may naitatabi upang may makukuhanan din tayo sa panahon ng kagipitan..
MAKAKABANGON AGAD
Tayong mga Pinoy ay likas na masayahin. Kahit maraming problema ay positibo pa rin. Ngunit, alam din natin na mas magiging masaya tayo at kumportable ang buhay kung may ipon tayo.
Kaya simulan na ang pag-set ng ipon goals, mga Iponaryos! Kung may kailangan bawasan sa ating monthly expenses upang ang ating calamity fund ay madagdagan, then kailangan nang gawin ito ngayon dahil
“Hindi natin maiiwasan ang mga kalamidad
kaya dapat may pondo para sa ating siguridad.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga maaaring pagkakitaan upang makadagdag sa ating ipon?
- Anu-ano ang mga maaari nating bawasan sa mga ginagastos natin sa isang buwan upang makadagdag sa ating ipon?
- Paano mo matutupad ang iyong ipon goals ngayong taon?
PISO PLANNER + 4 FREE Diary of a Pulubi, My Ipon Diary, My Badyet Diary and My Utang-Free Diary are back!
Get these for only 499+100SF!
Click here to order: http://bit.ly/34x6Lzh
Watch my YouTube Video:
4 Things We Can Prepare For Calamity Fund
Click here: https://youtu.be/bYVY3zFDz1U
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.