Na experience mo na bang gawin ang isang bagay na hindi mo talaga type?
Di ba ang bigat dalhin? Ang hirap gawin!
Kahit anong pilit mo, para siyang ampalaya na pilit mong kinakain.
The single most wasteful thing that anyone can do is
TO DO SOMETHING THAT YOU AREN’T CALLED TO DO.
Nakaka-drain!
Nakakapagod!
Nakaka-frustrate!
Napilitan ka lang gawin ito.
Pero sa totoo lang, ayaw mo talaga ang ginagawa mo.
Bakit mo ba ginagawa yung work mo?
Love mo ba ito o kailangan mo lang kumita?
Bakit yan ang kurso na kinuha mo?
Yan ba talaga ang gusto mo o pinilit ka lang ng iba?
Kung magaling ka magluto, bakit ka nasa sales?
Kung magaling ka sa admin, bakit ka nasa design?
Kung magaling ka sa pagtuturo, bakit ka nasa warehouse?
Bago ka pa gumalaw at dumiskarte, alamin mo muna kung ano ang calling mo sa buhay.
Kumbaga, walang kwenta na bumiyahe papuntang South kung ang calling mo ay nasa North. Sayang lang ang pagod, oras at gasolina.
Walang saysay din ang pagtatrabaho natin kung hindi mo naman calling yung trabahong pinili mo. Napilitan ka lang gawin ito dahil kailangan mong kumita.
“Find something you LOVE to do, so you don’t need to work for another day in your life”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kapatid, love mo ba talaga yung ginagawa mo?
- Ito na ba ang calling mo?
- Alam mo na ba ang calling mo sa buhay?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.