Ikaw ba ay adik sa iyong cellphone?
Kinakain na ba nito ang iyong sistema?
Paano malalaman?
Halimbawa:
Pagdilat ng mga mata, may mga muta pa,
hindi pa naghihilamos, cellphone kaagad ang inaabot.
Habang kumakain, sinasabayan din ng
pag swipe swipe sa social media kaya hindi matapos tapos.
Inaantok na, pagod sa eskwela o trabaho,
imbis na magpahinga, pipigilan at
lalabanan ang antok, makapag cellphone lang.
Nag g-gym, kumakain, nasugatan, o
mapa-traffic situation, lahat pipicture-an
at vivideo-han.
Kung oo ang sagot, isa ka ngang certified
Masaya naman kasi talaga gumamit nito.
Kung merong: “Kilay is life”,
Meron din: “Cellphone is life”
Ako man, may oras na ‘di ko mabitawan ito lalo na’t
lagi akong bumibiyahe because I need to stay in touch
with my family and update my followers from time to time.
Ito kasi ang easiest way to communicate, to entertain ourselves,
get updated with our friends, watch movie, do our work, lahat…
All in that one small gadget.
Pero gano’n pa man, tulad ng ibang addiction,
hindi din ito maganda pag sobra sobra na ang pag gamit.
Ano nga ba ang disadvantages nito:
HUGE AMOUNT OF TIME IS WASTED
(Photo from this Link)
- Hindi na nagawa ang report
- Nakalimutan na ang sinaing o ang nilalabhan
- Wala ng pahi-pahinga kakatingin
- Hindi na nakakapag aral kaka-games.
Biruin n’yo, kung ang cellphone ang ginagawa nating
almusal, tanghalian, at hapunan,
wala na tayong nagagawa dahil lahat ng atensyon natin
ay nasa cellphone na.
Yung mga kailangan nating tutukan nababalewala na.
NAWAWALA NA ANG HUMAN INTERACTION
(Photo from this Link)
Try to observe nowadays.
Kapag may meet-up tayong magkakaibigan
ito ang kadalasang scenario:
- Labas ng cellphone
- Pipicture-an ang pagkain
- Mag g-group picture with the food
- Isip ng caption
- Upload
- Tingin maya’t maya kung sino ang magla-like o magco-comment
Kapag may reunion naman,
same procedure
plus wala ng nagpa-participate sa mga laro,
o wala ng focus sa kine-kwento ng kamag-anak
dahil busy sa cellphone.
Nakatatawa pero totoo ‘di ba?
Nakalulungkot lang din dahil wala na yung
true value ng salitang “HUMAN INTERACTION”.
Nami-miss tuloy natin ang napaka daming bagay
tungkol sa isa’t isa. Sayang.
SOURCE OF DISTRACTION
(Photo from this Link)
- Imbis na makinig sa klase o meeting, mag ce-cellphone
- Kapag naiipit sa traffic, mag ce-cellphone
- Tambak ng trabaho pero magce-cellphone hanggang sa wala ng natapos
Nakadi-distract kasi ito sa totoo lang.
Kapag hinayaan natin ito to get in the way,
mahahati ang ating atensyon .
Risk na sa ating safety.
Mapababayaan pa ang trabaho.
“Ilagay sa tamang oras ang paggamit ng cellphone at huwag hayaang umikot ang mundo dito.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Adik ka ba sa cellphone?
- Bakit? Ano bang ginagawa mo dito?
- Papaano mo babalansihin ang pag gamit nito?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“GETTING SMART WITH BUYING AND SELLING A PROPERTY ”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2A3lJRW
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
Season 1 Episode 3: ” Travel Now, Pulubi Later”
PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT PACKAGE
1 Moneykit + 8 Books
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.