Bago tayo makabuo ng sarili nating business,
mahalaga na bumuo muna tayo ng sarili nating
konsepto na magiging sarili nating brand.
Mahalaga ito para alam natin kung saan tayo magfo-focus
at mas matuunan natin ng pansin para hindi tayo
patalon-talon at paiba-iba ng mga gagawin.
So kung pagkain, anong klase? Ano ang
focus ng business natin?
Then, maaari na tayong
mag-isip ng strategies para makilala tayo ng mga tao.
Ito ang ilan sa mga tanong na kailangan nating sagutin.
SAAN KA MAGALING?
Magaling ka magluto. Anong luto ang kahit nakapikit ka
alam mong lutuin? Anong klaseng mga pagkain ang pwede mo naman na pag-experimentuhan?
Kung magaling ka naman sa pananahi, anong klase
naman ang style na magaling ka talaga na kahit
tingnan mo palang ang client mo, alam mo ang design na babagay sa kanya.
Ilan lamang ito sa mga kakayahan ng bawat isa.
Mahalaga na alam natin kung ano ang ating gift para magamit at maibahagi sa iba.
Imposibleng wala kang talent o skills dahil lahat tayo
mayroon nito, kailangan lamang natin mas kilalanin
ang ating sarili at mas mapalawak ang kaalaman natin.
Malalaman natin kung ano ang ating kakayahan at
talento dahil mapapansin natin na kaya
natin itong gawin kahit ang iba ay nahihirapan.
Isa pang tanong na dapat nating sagutin:
ANO ANG HILIG AT MAHAL MONG GAWIN?
Ito yung kahit hindi ka bayaran, mahal mo ang
ginagawa mo. Hilig mo talaga ito. This is your
passion and you really love doing it.
Mahal mo ang mga bata at natutuwa ka na makipaglaro
at makipagkwentuhan sa kanila? Kung passion mo ito
pwede ka ring maging teacher at turuan sila.
Ito yung sinasabi na parang ‘di ka nagtatrabaho dahil
mahal mo ang ginagawa mo at natutuwa ka kapag
ginagawa mo ito. Kahit minsan mahirap, kakayanin pa rin.
Ang iba naman magaling talaga sa computer or sa
online games. Halos nauubos ang oras sa
kalalaro. Yung tipong hindi na kumakain para lang makapaglaro. Syempre ibang usapan na iyon kasi nakasasama na ito.
Pero kung ito talaga ang hilig at mahal mong gawin,
ang susunod na tanong naman ay..
PWEDE MO BA ITONG PAGKAKITAAN?
Syempre ito talaga yung importante kasi kung wala
naman tayong napapala sa mga ginagawa natin, sayang
lang ang panahon at oras natin kung ganun.
Ok lang sa simula na hindi pa natin pagkakitaan yung
ginagawa natin, pero kapag tumagal at kapag na-build
na natin yung pangalan natin, pwede na itong business.
Kumikita na tayo, gusto pa natin ang ginagawa natin.
Hindi na natin kailangan pilitin ang sarili natin na
gawin ang mga bagay na hindi naman natin gusto.
Ang mahalaga ay mapalago pa natin ang ating kaalaman
at makilala tayo na isang mahusay at eksperto sa pinili
nating field.
Kaya kailangan focus muna tayo sa pinili nating business.
Then saka tayo sumubok ng mga pwedeng isama dito.
“Sa pag-iisip ng negosyo, hindi dapat halo-halo
para mas makilala tayo at hindi rin nakalilito.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga bagay na napakagaling mong ginagawa?
- Anu-ano ang iyong mga hobbies na posible mong pagkakitaan?
- Paano mo sisimulan ang sarili mong konsepto?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.