Napakahalaga ang teknolohiya sa panahon ngayon,
pakiramdam natin hindi tayo connected kapag
wala tayong internet o kapag hindi tayo nakapagpost.
Pero alam din natin na kahit mahalaga ito, mas
mahalaga pa rin na connected tayo sa mga mas
importanteng bagay o mga tao sa buhay natin.
In this blog, let me just share some of my personal
observations in this generation as well as my
insights and reminders to all of us.
Through this technology, we think that
WE CAN DO MANY THINGS
Imagine, nasa meeting ka pero nagsha-shopping
ka rin online. O kaya nasa dinner ka pero may
ka-meeting ka rin sa online.
Pakiramdam natin ang dami-dami nating ginagawa
palagi. Parang sayang kung nakaupo lang tayo at
nakikinig lang o kaya kumakain lang.
Dapat laging multi-tasking ang ginagawa natin.
Pero hindi natin alam na mas marami ang
nasasayang na oras at pagkakataon dito.
Imbes na naka-focus tayo sa meeting natin, hati
na ang attention natin sa online shopping. Imbis
na kakwentuhan natin ang kasama natin sa dinner,
ayun, hati na rin ang attention natin.
At the end, akala natin natin napaka-productive
natin pero ang totoo ay may nawawala ang
focus natin at may nasasakripisyo na tayo.
Pakiramdam natin through social media,
WE ARE HEARD
Kasi wala naman talagang nakikinig sa atin sa
personal. Bakit?
Kasi wala naman tayong kinakausap na personal.
Post lang tayo ng post then mag-aantay na lang
tayo na may mag-comment na mga tao. Instead na
makipag-usap sa totoong tao.
Ano ba ang pinagkaiba ng pag-uusap online at
pag-uusap nang personal? Bakit kailangan pa
personal? Pwede naman online o kaya sa text.
Actually, MALAKI.
Malaki ang pinagkaiba dahil sa online, we can edit,
we can delete, we can do photoshop. In short, wala
talagang impromptu na pag-uusap.
Laging iniisip na lang natin kung ano ang maganda
sa tingin ng iba o kaya kung ano lang ang masasabi
natin. Kulang na sa tamang pananaw.
Iniisip natin na through this technology,
WE FEEL NOT ALONE
Syempre maganda naman talaga ng ang social
media dahil nagkakaroon ng chance ang mga
magkakamag-anak na magkakalayo na makapag-
usap through video calls.
Good point yun. Pero ang hindi maganda ay
yung magkakasama kayong magkakaibigan pero
iba’t iba naman ang mga kausap ninyo.
We don’t even know how to make a conversation.
Gusto natin connected tayo kaya magkakasama tayo
pero iba naman ang mga kausap o ginagawa
dahil gusto rin natin na connected tayo sa lahat.
Pakiramdam natin lahat kasama natin. Pakiramdam
natin we are not alone. Pero ano nga ba? Are
we really not alone?
Katawan lang natin ang nasa lugar pero ang
presence natin at attention natin ay wala naman
sa kung nasaan tayo.
“Kung pakiramdam mo walang nakikinig sa ‘yo at mag-isa ka,
subukan mong bumuo ng conversation kasama ang iba.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kaya mo bang ibigay ang buong attention mo kasama ang iyong pamilya o kaibigan?
- Paano ka mas makakapag-focus sa ginagawa mo?
- Sinu-sino ang mga taong gusto mong kakwentuhan?
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.