Napanood niyo na ba yung pelikulang Pinocchio? Siya yung batang gawa sa kahoy na humahaba ang ilong sa bawat pagsabi niya ng kasinungalingan.
I can remember when I was around 12 years old at na-late ako sa pag-uwi dahil sa sine. Noong tinanong ako ni mama, sinabi ko ako ay ginabi dahil sa tutor. Tumawag ang mama ko sa tutor ko at nalaman niya na ako ay umalis doon ng maaga. Noong nadiskubre niya na ako ay nagsinungaling, ako ay pinalo at mata lang ang walang latay.
Na-experience niyo na rin ba, dahil sa hindi pagsasabi ng totoo ay nag-suffer kayo ng mga consequences?
May mga taong ginagawang habit ang pagiging sinungaling dahil sa iba’t ibang klaseng rason. Merong para makatakas sa responsibilidad, o para hindi mapagalitan, o sadyang nag e-enjoy na lang sila sa thrill na dala nito.
Ang mahirap lang, once na nasanay na ang isang tao sa ganitong pag-uugali, it will birth and branch out into more risks na hindi lang makakasama sa atin kundi pati sa mga ibang taong involved.
Kahit ano pa ang pinakamagandang rason na maisip natin o kahit pa napagplanuhan ng matagal, basta kasinungaligan, tiyak na hindi ito magdudulot ng tagumpay dahil sa huli, sisingaw at sisingaw din yan.
Ano ba ang mga consequences or negative effects ng pagiging isang dishonest na tao?
1. YOU NEED TO BUILD UP ON YOUR LIES
Kelangan kasi “credible” ka, kaya ayaw mong malaman ng iba na kasinungalingan ang mga unang sinabi mo. So gagawa ka lagi ng panibagong kwento para hindi ka mahuli. Ang hirap kaya magkabit-kabit ng storya lalo na kapag inimbento mo lang ang lahat. Mula sa umpisa, nangyari sa gitna hanggang sa dulo, ang mga taong involved “kuno”, lugar, at oras para kahit sino magtanong sayo eh match lahat.
Ang masama pa niyan, dahil sa hindi naman facts ang kinu-kwento mo tapos iniisip mo pa kung paano i-de-deliver, at yung pressure kung paano maka-ka-lusot, maaring o hindi malabong mahuli ka dahil sa pagkalimot at kaba.
2. YOU DON’T VALUE WHAT IS TRUE
May kasabihan na, “The truth can set you free”. Pero “being free” here is not applicable to those who do not put value in truth, those who are dishonest. Kasi nakakulong at nagtatago ka lang sa gusto mong paniwalaan habang buhay (o hanggang sa mahuli ka).
When you don’t value truth anymore, yung tendency mo is to hide everything that is true. Hiding the truth doesn’t only affect you but also the people around you kasi you’re being unfair to them. Unfair kasi ipinagkakait mo sa kanila ang dapat nilang malaman regardless kung ito’y mababaw o mabigat na katotohanan.
3. YOU LIVE IN SHAME
Maaring nagtagumpay ka ngayon pero kaibigan, nakakahiya ka sa huli lalo na kapag nabuking ka.
Nakakahiya, kasi biruin mo ilang araw, linggo, buwan, o taon mong itinago yung katotohanan sa pamilya o kaibigan mo tapos malalaman nila na nagsisinungaling ka lang pala ever since. Or worse, alam naman nila noon pa ang totoo pero heto ikaw patuloy mo silang niloloko— ikaw din ang napahiya.
Kahit saang anggulo, walang maidudulot na maganda ang pagiging dishonest kundi kapahamakan lamang. Kaya ano ba ang pwedeng gawin para makaiwas?
1. ALWAYS TELL THE TRUTH
Wala namang masama sa pagsabi ng totoo. In fact “honesty is the best policy”, ika nga. Hindi naman tayo perpekto kaya maintidihan ko kung may mga oras na nakakalimot, natataranta, o natatakot tayo na at nagkakamali.
Ngunit, hindi natin dapat gamitin ito na dahilan para magsinungaling.
Kung naipit ka na sa sitwasyon, ipaliwanang mong mabuti, humingi ka ng tawad, and try your best na hindi na maulit pa ito. Huwag mong hayaang tuluyan silang mawalan ng tiwala at respeto sayo.
2. TAKE FULL RESPONSIBILITY
Kung may nagawa kang mali, harapin mo ito at huwag takbuhan.
Kapag iniwasan mo ang problema, pinapahaba mo lang ang agony mo o yun bang bigat sa dibdib habang pinaparusahan mo din indirectly ang mga ibang taong involved.
Nandiyan na yan, nangyari na ang nangyari. Aminin mo na lang and pray that it will go smoothly.
3. NEVER MAKE EXCUSES
Excuses are only meant to prolong your chance to be saved from embarrassment, pero hindi habang panahon eh makakalusot ka because these excuses are just temporary.
Gaya nga ng sinabi ko, ang katotohanan ay sisingaw na lang bigla. Kaya mas mabuti pang unahan mo na bago pa nila malaman sa iba, dahil kapag nangyari yun, mas mabigat ang magiging epekto nito sayo. Mas mahirap bumawi.
4. ACCEPT THE CONSEQUENCES
Tingin ko ito ang pangunahing dahilan kaya madaming nagsisinungaling. Ayaw nila masaktan, masigawan, o masabihan ng masasakit na salita.
Gayun pa man, ang pagkakamali ay isang pagkakamali na kailangan nating panagutan. Ito namang mga consequences na ito ay nandiyan para matuto tayo sa buhay and to be able to choose what’s right next time.
THINK. REFLECT. APPLY.
May habit ka ba na magsinungaling?
May mga tao bang nasaktan noong ito ay kanilang nalaman?
Ano ang pwede mong gawin para maiwasan ang pagsisinungaling?
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? You can also check these other related articles on dishonesty:
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.