Ever felt sad and unsatisfied whenever hindi natin mabili yung damit na gusto natin? O kaya naman ay hindi natuloy yung lakad with friends? Yung pakiramdam natin mag-isa tayo kasi walang gustong sumama satin. #Foreveralone daw kung tawagin.
Ano man ang pinagdadaanan o problema natin, whether a fight within ourselves or towards others, at maisaalang-alang ang kaligayahan ng bawat isa, lagi nating tatandaan ang mga sumusunod:
THE LORD IS WITH US
“Kung kasama ko Siya, bakit ako ngayon malungkot?” Sa totoo lang, the Lord had also given us free will. The freedom to choose, decide and do things the way we want to. Ang pagiging malungkot sa buhay ay choice din. Why? It’s a matter of how we respond to situations.
For example:
Hindi tayo sinamahan ni best friend mag-shopping sa Baclaran. Tapos hindi pa tayo familiar kung paano pumunta doon. Pero dahil kailangan nating mag-shopping ng murang damit, tumuloy pa rin tayo kahit may possibility na maligaw tayo on the way. Kasi alam natin na hindi tayo nag-iisa.Kasama natin ang Diyos kaya nagiging matatag at masaya tayo.
THE LORD WILL NEVER LEAVE NOR FORSAKE US
Kaya tayo ay patuloy na nagiging matatag sa lahat ng aspeto ng buhay,‘Yan ay dahil confident tayo na hindi tayo iiwan o pababayaan ng Diyos. Regardless kung ilang beses natin Siya nabigo sa ating buhay.
Parang earthly parents natin, mas hinding hindi tayo iiwan ng Diyos na wala tayong food and shelter, or even a friend that could help us. Ginagamit ng Diyos ang ating mga kamag-anak, friends, at ibang tao para rin mapatunayan na hindi tayo nag-iisa dito sa mundo.
THE LORD IS FAITHFUL
Naalala n’yo pa ba yung mga dasal n’yo?Unanswered ba ‘yan? O milagro na nangyari agad?Even though most of the time we fail by disobeying God’s command, He remained calm, poise, and attentive.
Kung yung dasal natin kagabi ay “No”, baka ang ibig sabihin lang no’n ay “Not this time… I have something better for you…”
Whatever challenges we might have, all of God’s promises will come to pass. For now, it may be NO for an answer, but that’s okay. The Grace of God is all we need. And God is preparing us for His greater purpose.
“Kung si Lord ang kasama natin sa ating pamumuhay, walang dahilan para tayo ay matakot at malumbay.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Madalas ka bang iwanan ng friends mo?
- Sino ang Source ng buhay mo?
- Will you invite the Lord to take over your life and future?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.