May ilang bahagi ng ating buhay na napahihinto
tayo dahil naaalala natin yung mga dati nating
ginagawa. Yung mga highlights ng ating buhay.
Ilan dito ay masaya. Ilan din dito ay malungkot.
Pero lahat ng mga ito ay tumulong para ma-mold tayo
sa kung ano tayo at sa kung paano tayo mag-isip.
May ilang mga bagay na maaaring hindi na natin
magawa dahil na rin sa edad siguro natin o kaya
dahil na rin sa mga bagong priorities natin sa buhay.
So let’s try to go back and think of those happy |
moments. Bakit tayo masaya nung sandali na yun?
VICTORY
Ang sarap nung mga sandali sa buhay natin na nagwagi
tayo ‘di ba? Those times when we discovered more things
about ourselves. Yung mga kaya at kinaya natin noon.
“Parati kaming nanalo noon sa agawang base.”
“Kami yung champion sa dance contest noon.”
“Napasa namin yung thesis namin noon!”
It’s not just the success or victory that we accomplished
but it is more of the story behind everything. Yun yung
mas nakatutuwang i-share lalo na kapag reunion!
Ito yung mga nangyari noon na kapag inaalala natin
ay napangingiti tayo dahil ginawa natin ang lahat
para matupad o maabot natin ang gusto natin noon.
Ito yung mga magandang alaala rin na masasabi
natin kung gaano ka-colorful ang ating kabataan
at nahanap natin ang worth at purpose natin noon.
So ngayon, katulad ka pa rin ba noon? Alam mo pa
rin ba ang salitang
PASSION
“Hilig kong gumuhit at mahal na mahal ko yun.”
“Masayang-masaya ako kapag kumakanta ako.”
“Ang sarap sa pakiramdam kapag may natulungan ako.”
Alam kong may mga iba’t ibang priorities na tayo ngayon
lalo na kung may pamilyang iniisip at mga anak na
pinapaaral. Pero alam pa rin dapat natin ang passion.
Alam pa rin dapat natin ang talagang mahal nating
gawin sa ating buhay. Kahit minsan lamang sa isang
linggo ay gawin natin ang talagang gusto natin.
Tumugtog, kumanta, sumayaw, gumuhit, magpaka-model
kahit ano pa man ‘yan. Lalong masaya kung ang trabaho
pa rin natin ay related sa dati nating ginagawa.
Pero kung hindi man, huwag nating iwan na lang basta
ang dating hilig nating gawin. May ibang paraan pa rin
para magawa o makita man lang natin ang noon.
Let’s try to make a
LEGACY
Yes. It’s something na kahit mawala tayo sa mundo ay
may maiiwan tayong magandang alaala rin sa ibang
mga tao. Napasaya rin natin sila dahil sa passion natin.
So share your talent. Share your skills. Share your gift.
Huwag itago ‘yan. Ipakita at ibahagi mo rin sa iba. Lalo
na kung may anak din tayo. Bigay natin sa kanila.
Share stories. Share success. Share sadness. Hindi
naman tayo perpekto. So maganda rin malaman ng
iba ang struggles natin at kung paano tayo nag-succeed.
“Alam mo ‘nak, iniyakan ko yun nang husto noon. Pero
na-realized ko na kailangan kong kayanin dahil may mga
pangarap ako sa buhay at gusto kong maabot yun.”
Kung hindi man sa anak natin, baka may mga tao sa
paligid natin na kailangan din ng advice mula sa atin
at kailangan din ng encouragement at kaunting push.
“Wala namang masama sa pagbalik natin sa nakaraan; ang mahalaga ay may mapabaon tayong magandang karanasan.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga magagandang naaalala mo at ano ang kwento dito?
- Ano ang passion mong ginagawa noon at maging sa ngayon?
- Sinu-sino na ang mga nakarinig ng encouraging stories mo?
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.