May mga kakilala ka bang mga taong bastos?
Hihiyain ka sa harap ng ibang tao.
Sisigawan ka na parang wala kang karapatan na mabuhay.
May mga tao na talagang sadyang mapang-insulto sa pananalita man o sa actions. Ipapamukha sa iyo kung gaano ka kawalang kwentang tao.Kung ano-anong panlalait ang binabato sayo, kaharap ka man o kahit ikaw ay nakatalikod.
But before I share the tips on how to deal with a rude person, let me share some possible reasons kung bakit may ganitong klase ng tao.
Unang una sa listahan, malamang ito ay kanilang …
NAKAUGALIAN
Ito ang kanilang nakita simula noong sila ay bata pa. Ito din ang kanilang narinig at naranasan. So, para sa kanila natural at normal na lang ang ganitong paguugali: ang manlait, mang-hiya, manigaw at mang-insulto ng ibang tao.
Baka ang role models nila sa kanilang tahanan ay mga bastos din kaya “NORMAL” na sa kanila ang pagiging RUDE.
O kaya naman sila ay …
NABIGO
Posible din dahil sa daming pasakit, anger and FRUSTRATION na kanilang pinagdaanan, nais nilang ilabas ang kanilang sama ng loob at frustration sa ibang tao. Ika nga, frustrated people want to make other people feel frustrated. Gusto nila may karamay, malungkot kasi na mag-isa.
At malamang, dahil sa hindi magandang pangyayari kaya sila ay …
NAIINGGIT
Bitter na bitter sila sa nangyari sa kanilang buhay, kaya’t tuwing nakakakita sila na may mas magaling at may mas magandang nangyayari sa iba, siya ay NAIINGIT. Ang inggit ay isang makapangyarihan na LASON sa pagkatao, kaya minsan ito ay nagta-transform into the Hulk and destroys everything or everyone in their path.
Now, bago ka magpaapekto sa mga taong ganito. Alamin mo muna kung ang mga praktikal tips ko sayo in dealing with a rude person. First …
KNOW THE “WHY”
Alamin mo muna yung “BAKIT?”
Bakit siya parating galit, inis, naninigaw, naninindak?
I can assure you may PINAGHUHUGUTAN yan!
Parati kong sinasabi, “Hurting people tend to hurt other people.”
Kaya kung alam mo na ito, huwag mo nang patulan.
Kapag may sinabi siyang hindi maganda, tell that person in a VERY GENTLE TONE, “Friend, may I know kung bakit mo nasabi yun para maintindihan ko where you’re coming from?”
Madali kasing mag ASSUME na sa’yo may sama ng loob yung tao, pero mas WISE kung aalamin mo yung ROOT CAUSE bakit siya ganun.
And when you approach that person …
BE OBJECTIVE
Kapag kasi nagpadala ka sa bugso ng iyong damdamin, World War 3 lang ang magaganap at LALO lang siyang magiging rude sayo.
Stick to the issue not to the person. Major on the majors not on the minors. If you allow your emotions to set in, talo ka. Maniwala ka! You can use the sandwich approach. POSITIVE – NEGATIVE – POSITIVE.
Kung siya ay nagagalit dahil hindi natapos yung inutos niya.
“I appreciate your dedication and commitment sa project na ito. Psensiya ka na kung nagkaroon ng delay. I know the urgency and importance na kailangan natin matapos ito. I suggest na idaan natin sa magandang usapan at maghanap tayo ng solution. I am sure mas mabibilis natin matatapos ito kung matutulungan mo kami.”
Sa ganitong paraan you are already HELPING that person to calm down.
And most importantly, you need to …
PRAY FOR THAT PERSON
Kasi kahit na sino pa ang magsabi sa taong yun na hindi maganda ang pag-uugali niya, HINDI NIYA MABABAGO ANG KANYANG SARILI.
Kahit naman ikaw diba, we all have our bad days. Alam mo nang mali ang isang bagay pero minsan nagagawa mo pa rin. It’s the SAME thing with a person who is rude.
And the ONLY ONE who can really and completely change us is GOD, because He is ALL-POWERFUL and a God of TRANSFORMATION.
Kaya ipagdasal mo yung tao na yun at i-surrender mo na kay Lord lahat ng sakit na nararamdaman mo dahil sa mga masasakit na salita na naibato niya sa’yo. Magugulat ka na lang na isang araw, that rude person will be a testament of God’s MIRACLE.
THINK. REFLECT. APPLY.
Meron bang tao na very rude sa’yo?
How do you handle that person?
Naipagdarasal mo ba siya?
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? Check these other related posts on dealing with difficult people:
- HOW TO DEAL WITH UNREASONABLE PEOPLE
- How To Deal With An Unreliable Sibling/Housemate
- How To Deal With Favoritism At Home Or At Work
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.