Oh yes! Nakakatakot talaga ang mga bayarin ng utang
parang death ang kaba! Getting out of debt is really a relief. Mas nakakatulog na nang mahimbing kapag walang utang.
Pero bakit ba nagkakautang? One reason could be unforeseen events or emergency kaya hindi napaghandaan. Nadyan rin ang lack of discipline and lack of knowledge on how to manage money.
Let me share some practical solutions on how to pay-off your debts and have a debt free life. Karapatan natin magkaroon ng tahimik na buhay kaya gawan natin ito ng paraan.
Kailangan tayo na mismo ang gumawa ng paraan para mabayaran natin ang ating pagkakautang dahil hindi naman magandang ipamana pa natin ito sa ating mga anak di ba?
First practical solution is
CHANGE YOUR LIFESTYLE
Dati, ang sinusweldo ay 15k per month, ngayon na 20k na per month ay wala pa ring naiipon? Bakit ganoon? Bakit kahit tumaas ang sweldo ay hindi pa rin nakakabayad sa utang?
Simple lang. Dahil kapag tumaas ang sweldo, tumataas din ang level ng lifestyle natin. Imbes na i-maintain ang lifestyle ay mas marami na rin bigla ang binibili at ginagawa sa pera.
“Eh Chinkee, pinaghirapan ko naman ito eh.”
“Deserve din naman namin ang maginhawang buhay.”
“Deserve ko namna na i-treat sarili ko, Chinkee.”
Oo sige, deserve natin ang maginhawang buhay, ang
masarap na treatment lalo na pinaghirapan naman natin ito. Pero ano ba ang purpose at ang pinaka-goal natin?
Hindi ba kaya natin gusto na tumaas din ang sweldo natin ay para mabayaran din natin ang ating mga utang? Kaya dapat, magtabi tayo at unti-unti nating bayaran ito.
Huwag naman sana na parang wala na lang yung inutang. Sa panahon ng kagipitan nilapitan natin ang ibang tao pero kapag bayaran na, wala na lang? Ganun na lang ba iyon?
Paano naman din sila? Iba kasi ang utang sa hingi. Iba rin
ang pangungutang sa panloloko. Kaya huwag nating ugaliin na uutang lang at basta na lamang kakalimutan ito.
Second practical solution is
FIND ANOTHER SOURCE OF INCOME
Sell your skills or talents. Pwedeng humanap ng sideline
para pakadagdag din sa kita at makabayad kahit paunti-
unti sa utang para mabawasan at matapos ito.
“Eh ang hirap naman Chinkee. Kulang sa oras.”
“Kailangan ko rin magpahinga.”
“Wala namang makuhang sideline eh.”
Naku siguradong alam nating lahat ang kasabihan na
“Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan.”
Kaya gawan at hanapan ng paraan para sa pamilya.
Kailangan mas malakas ang will natin kaysa sa ating katam… alam nyo yun? Katam—aran. haha Mahirap kasi na may goal tayo pero parating “saka na lang” ang mantra natin.
Lahat naman tayo may skills at talents, kaya maraming
pwedeng paraan para makadagdag din sa ating savings at sa ating pambayad sa utang para matahimik na rin tayo.
Third practical solution is
PRIORITIZE YOUR SPENDING
Yes. Hindi purket nakapagtravel yung iba, kailangan tayo rin makapagtravel.Purket kumain bago yung cellphone nila, kailangan mag-upgrade din tayo ng phone natin.
Kailangan kasi marunong tayo mag-budget. Yung ginagastos natin, kailangan ay level din ng kinikita natin. Hindi yung 15k ang sweldo tapos 20k ang gastusin kada buwan. May mali na.
Kailangan itama at i-prioritize ang pinakakailangan. Kung may Cash na rin, gumamit na ng cash at huwag masanay sa kaka-swipe ng credit card o kakahiram ng pera sa iba.
We have to be consistent in paying off the debts para matapos ang pagkakautang. Ayaw din naman nating kalakihan ng ating mga anak na parati na lang may naniningil sa utang natin.
Hindi maganda at hindi rin tama na pinapabayaan ang utang at sinasanay natin ang ating sarili sa pangungutang lalo na kung naaapektuhan na ang ating pamilya at ang ating mga anak.
“In paying off the debt, you have to be consistent because it is your responsibility to fulfill your commitment.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Bakit ka nalubog sa utang?
- Anu-ano ang mga maaari mong pagkakitaan at makadagdag sa ipon para makabayad sa utang?
- Anu-ano ang mga dapat gawin para makaiwas na sa utang?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.