Pagod ka nang umasa…
Ayaw mo na sumubok ulit…
Takot ka na mabigo…
Hindi nangyari ang mga gusto mo…
Naalala mo ba yung mga panahon na hindi ka makatulog sa kakaisip sa mga pangarap mo? Determinado ka at willing kang gawin ang lahat upang matupad lang ang mga pangarap mo.
Pero ngayon, tila-baga nag-iba na ang ihip ng hangin.
Tamad ka na…
Pagod ka na…
Sawa ka na…
Takot ka na…
Ayaw mo na…
Kapatid, hindi pa huli ang lahat para makamit mo ang mga pangarap mo!
Hindi porket nadapa ka, di ka na babangon.
Hindi porket na-reject ka, hindi ka na magaling.
Hindi porket nahihirapan ka, hindi na ‘yun para sa’yo.
Hindi porket nasasaktan ka, hindi ka na mag-pupursige.
Huwag mong hayaan na ang mga kabiguan na nararanasan mo sa buhay noon ay maging dahilan para hindi ka na mangarap. Instead of seeing it as a stumbling block, use it as a stepping stone to move forward.
Quitters never win. Kaya kung gusto mong manalo at magtagumpay, push lang ng push! Set aside those disappointments and focus on your dreams. At the end of the day, you’ll see that it’s all worth it.
“Natural lang ang makaramdam ng pagod, pero huwag lang mapagod na MANGARAP.”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY
- Are you disappointed?
- How do you deal with disappointments?
- What motivates you to go on and persevere?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.