Ano-ano ang mga pangarap mo?
Ano-ano ang mga ginagawa mo para matupad ang mga iyon?
Are you a BIG dreamer and a HARD worker?
Kapag pinaguusapan ang mga pangarap, marami tayong maiaambag sa usapan.
Pangarap kong magkaroon ng sariling pamilya.
Pangarap kong magtayo ng business.
Pangarap kong maging isang sikat na singer.
Pangarap kong magsulat ng novels.
Pangarap kong maging engineer.
Pangarap kong magkaroon ng sariling bahay.
Ang dami dami nating mga pangarap. And there’s nothing wrong with that. Kasi kung hindi tayo mangangarap ay para bang mawawalan tayo ng purpose sa buhay.
But dreaming big is not enough, we also need to work hard at it. Hindi sapat na alam natin ang ating mga pangarap kung hindi naman tayo kikilos para ma-achieve yun. If there are two steps na gagawin mo to achieve your dreams, eto yun:
KNOW YOUR DREAMS
Alamin mo kung ano ba ang inaasam mong makamtan. You can never work hard to achieve something if you do not know what that “something” is in the first place. Maaari kang maglaan ng notebook where you can list your goals and dreams para aware ka sa mga ito.
In that notebook, pwede kang maglagay ng pictures. Halimbawa gusto mong magsulat ng novels. Maglagay ka ng pictures sa notebook mo ng mga novelists na gusto mong sundan ang yapak. Mas helpful kasi na di lang natin basta alam ang ating mga pangarap but that we are also aware of them and that we have a visual of what we want to achieve.
Second step is . . .
REALIZE YOUR DREAMS
You can only realize your dreams when you know them (my first point) and act on achieving them.
Gumalaw ka. Gumawa ka. Huwag puro isip. Huwag puro analyze. ACT!
Let’s take the example I gave earlier. You want to write novels? Ang tanong, nagsusulat ka ba? Naglalaan ka ba ng time para makapagsulat even for a few hours per day? May naisusulat ka ba na at least 300 words each day? You can never complete a novel kung hindi ka magsusulat. At ang pagsusulat is an action you have to do. Write!
Kahit hindi mo siya feel dapat mo siyang gawin.
Kahit tinatamad ka, gawin mo.
Katulad na lamang nitong blog na ito, sa totoo lang, pagod at antok na ako, pero go pa rin. Dahil commitment ko ito!
You gotta push yourself to the limits.
Ganon din sa ibang pangarap. Hindi sapat na nangangarap ka lang pero you’re not acting on it naman. Take action so that your dreams will be realized.
THINK. REFLECT. REPLY.
Ikaw, kamusta na ang pangarap mo?
Nagagawan mo na ba ito ng action o nakatenga ka pa rin hanggang ngayon?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Are you excited to reach your dreams? You can also check on these related posts:
- BE A DREAM BUILDER
- WHY DO PEOPLE NEVER FULFILL THEIR DREAMS
- HARD WORK NOW, MAYAMAN LATER
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.