KaChink, may emergency fund ka ba?
Emergency fund, ibig sabihin,
kapag may nangyaring hindi inaasahan,
may perang madudukot at
hindi na kailangan maghagilap pa.
“Ha? Kailangan ba ‘yan?”
“Nge, para namang ine-expect na may mangyayari..”
“Liit na nga ng kita emergency fund pa?”
Nako, hindi natin masasabi ang panahon.
Bigla bigla na lang may unos na
darating sa ating buhay mapa
maliit o malaking problema pa ‘yan.
Ito yung mga pangyayaring kahit iwasan natin
hindi talaga natin matatakasan,
“That’s life” ika nga.
- Isa sa atin ay nagkasakit
- Nasirang bubungan
- Na-delay ang sweldo
- Natanggal sa trabaho
- Nagtaas ng tuition fee
…at marami pang ibang senaryo!
So, ang tanong, kailangan nga ba nito?
Isang malaking YES!
Magkano? 6 -12 months of our monthly salary
to give us time na makahanap ng trabaho,
mabuo o mapag-ipunan muli yung perang nagalaw.
Ano pa ba ang iba nitong advantages?
INIIWAS TAYO NITO SA UTANG
(Photo from this Link)
Oo, utang na nagdudulot ng sakit ng ulo.
Nagbibigay ng bangungot.
At walang katapusang paghahagilap ng salapi.
Kapag wala tayong emergency fund,
mapipilitan tayo mangutang sa kaanak o kaibigan
dahil wala tayong nakatabi.
Hindi natin ito napaghandaan.
“Eh babayaran ko din naman.”
Yes pwede, pero hanggang kailan
tayo nakatali?
Ilang taon tayo magtatrabaho para
ipambayad sa ibang tao?
Hindi ba’t mas maganda kung
may nakatabi na, walang utang pa.
Maubos man, at least ang tanging iisipin
lang natin ay makabuo muli ng emergency fund.
HINDI KAILANGANG GALAWIN ANG BUDGET
Ano ba kadalasan nating ginagawa
kapag may emergency?
Gagalawin ang budget, ‘di ba?
Yung pambayad sa kuryente at tubig
hihiramin muna at hahanap ng paraan
para maibalik bago maputulan.
Kapag nangailangan,
kukuha sa tuition fee ng mga bata,
kaya tuloy, naka promissory note bigla.
Hindi tulad ng kapag may emergency fund,
walang nagagalaw, walang naaapektuhan
kasi meron tayong nilaan para
sa mga biglaang kaganapan.
GIVES US FINANCIAL PEACE
(Photo from this Link)
Kung tayo ay nabubuhay from paycheck to paycheck,
lahat simot at ubos sa tuwing darating ang sahod.
Lagi tayong kakabahan at hindi matatahimik.
“Saan kaya ako kukuha ‘pag bumalik sakit niya?”
“Paano kapag hindi ako naregular sa trabaho?”
“Bibigay na yung bubungan, gastos na naman.”
With emergency fund,
*knock on wood* ay magkaproblema,
Alam nating protektado at safe tayo
kasi may sasalong pera na naitabi
para sa mga ganitong sitwasyon.
For more ipon tips, go to this link now: chinkeetan.com/ipon
“Kapag hindi napaghandaan ang problemang hindi inaasahan,
baka sumakit lang ang ulo at mauwi sa pangungutang.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- May emergency fund ka na ba?
- Kung wala pa, kailan mo balak simulan?
- Ready ka na ba maghigpit ng sinturon para ginhawa later?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off +2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“5 REASONS WHY PEOPLE GET DEPRESSED ABOUT MONEY”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2HvkAGa
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.