Many couples have asked me kung kailan ba ang
tamang panahon na pag-usapan ang tungkol sa
pera? Kailangan nga ba talaga ito pag-usapan talaga?
I keep on saying that prevention is better than cure.
Kaya mabuti na habang wala pa ang problema ay
mapag-usapan na o masama na rin ito sa plano.
Best time to discuss money matters sa relationship ay
during the engagement. Actually the moment na gumagawa
na kayo ng plans, isama na rin ang tungkol sa pera.
Bakit? Kasi you have to know if you
SHARE COMMON VISION
“Gusto ko mag-travel all around the world.”
“Gusto ko magkaroon tayo ng sarili nating bahay.”
“Gusto ko every month may date tayo.”
Kung titingnan naman hindi literal na tungkol sa pera
ang bawat gusto natin, pero malaking factor na may
pera sa bawat isa dito.
Hindi naman kayo pwedeng mag-travel around the
world kung puro utang ang gagawin ‘di ba? So kailangan
may nakalaang badyet para dito.
Kailangan may goal kayo para gawing posible ang
bawat pangarap ninyo. Mahirap naman na ikaw gusto
mo ng sariling bahay, tapos yung fiance mo, ayaw
iwan ang mga magulang. Package deal pala.
Ganun din yung mga labas at dates ninyo. Syempre
hindi na ito tulad ng dati na nakadepende sa allowance
ninyo ang pang date. This time sariling pera n’yo na
ang kailangan ninyong gamitin.
Kaya dapat you also have to know and
SHARE MONEY VALUES
“Share tayo sa pera natin at sa lahat ng gastusin.”
“Dapat may nakahiwalay na funds para sa magiging baby natin.”
“Ihanda rin natin ang ating retirement funds.”
Mahalaga na pareho kayo ng plano o aware kayo sa
magiging set-up ninyo. Ngayon pa lang pag-usapan
na ninyo. Huwag na kayong mahiya na tanungin ito
sa isa’t isa.
Kung ngayon pa lang ay pag-aawayan ninyo na ito,
baka dapat mas lalong upuan ninyo ito at pag-usapan.
Mahirap kapag kasal na kayo tapos magkakagulatan
na lang sa usaping pinansyal.
Hindi lamang kasal ninyo ang dapat ninyong pag-usapan
kundi ang buong marriage ninyo. Hindi lang motif, design
at pagkain ang pag-iisipan ninyo pareho kundi yung
paraan ninyo kung paano magplano together.
Magandang practice din ito dahil magiging first major
project ninyo together ang inyong kasal. At the same time
mas makikilala rin ninyo ang inyong magiging asawa.
Mahalaga rin that you
SHARE OPEN SOLUTIONS
“Yung hiniram mo na pera dapat by next year, bayad na natin.”
“Dito muna tayo tumira pansamantala, then after three years, lipat na tayo sa sarili nating bahay.”
“May hiniram na pera yung kamag-anak ko. Next month daw babayaran na n’ya.”
You see, you have to be very honest with your partner.
Kasi kung maglilihim lang tayo, then kapag nabuking,
ayun na! Away na ang sunod…
Uulitin ko, prevention is better than cure. Kung may mali
mang money habit ang partner natin, tulungan natin at
bigyan natin ng advise kung ano ang mas makabubuti.
Kung tayo naman ang nagkamali, kailangan ay aminin
natin ito at iwasan na ito. Huwag na nating hayaan pa
na pera ang makasira ng maayos na relasyon natin.
Mahalagang matutunan ito dahil ito rin ang ipapabaon
natin sa ating magiging pamilya. So thinking ahead,
mas paghandaan ang marriage kaysa sa wedding.
“Hindi lang naman isang araw ang pagsasama ninyo,
Dahil habang-buhay ang sumpaan sa taong mahal mo.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang plano ninyo pagkatapos ng inyong kasal?
- Sino ang mas magaling humawak ng pera sa inyong dalawa?
- Anu-ano at sinu-sino ang pinagkakautangan ninyo?
————————————————————————-
You and your spouse can have a stress-free marriage where it concerns money. Learn ways you can build your marriage that will allow you to trust each other enough with your combined income. Buy this book for P190+100 SF and I will give you another one of my newest book “My Utang Diary” for FREE!
Grab your copies now! Click here: https://lddy.no/bjpr
**Bulk/ Reseller package also available here: https://lddy.no/bjps **
20 Books (Buy 20 Get 20) + 5 Free Sets – PHP 3,800
40 Books (Buy 40 Get 40) + 15 Free Sets – PHP 7,600
Promo is until October 19, 2019
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.