Alam naman natin na kapag pera ang usapan, magkakaiba
ang pag-uugali ng mga tao. May ilan na akala natin ay
mapagkakatiwalaan, o kaya naman talagang kawawa.
Pero dapat alam na rin natin ang mga klase ng tao na
maaari nating pagkatiwalaan lalo na kung tayo rin ay
magpapautang. Kailangan nating silang kilalanin.
Hindi naman masama o mali ang magpautang o hindi
magpautang. Depende kasi ito sa sitwasyon talaga natin
at ng taong humihingi ng tulong pinansyal sa atin.
Let me share some facts about utang:
HINDI PAMBAYAD NG UTANG ANG ISA PANG UTANG
Hindi masosolusyunan ang problema ng isa pang
problema. Kung mayroong utang, isang paraan dito ay
maghanap ng additional income para mabayaran ito.
Mahirap kasi halimbawa na uutang sa isang relative para lang
ipambayad sa utang sa isa pang relative. Kapag ganito kasi ang
mangyayari, magkakapatong-patong ang mga utang.
Kailangan i-monitor ang utang lalo na kung ito ay may
kalakihan. Kung kinakailangan na magtipid at magbawas
muna ng mga gastusin, ay dapat na ring gawin.
Ang mahalaga kapag may pambayad na ay ibayad na ito
agad para hindi na magamit pa sa ibang mga bagay at
mabawasan din ang listahan ng mga utang.
Gayun din naman kung nakakaluwag-luwag na, sabihin sa
taong pinagkautangan kung kailan talaga mababayaran ito
para hindi naman sila maghintay sa kawalan.
Kung ibang tao naman ang hihiram sa atin ng pera,
HUWAG MAGPAUTANG NANG HIGIT PA SA PANGANGAILANGAN
Paano kung halimbawa ay nakapagtabi na tayo ng
pambayad sa tuition fee, tapos may biglang kamag-anak
na kailangan ng pera, paano na ito?
Kailangang pag-usapan ito ninyong mag-asawa at pagplanuhan.
Mahirap din kasi na mapabayaan din natin ang ating tungkulin
bilang mga magulang. Kaya dapat mapagkasunduan ito.
Maaaring may certain amount na pwede nating maitulong
sa kaanak natin. Basta hindi natin kailangan ma-guilty at
maawa na lang sa iba nang hindi iisipin ang ating pamilya.
Kailangan alam at malinaw sa atin ang ating priorities
pagdating sa pagpapautang. Tingnan din natin at tantsahin
ang kapasidad ng taong umuutang sa atin.
Kung sa tingin natin ay malabong mabayaran ito, maaaring
ibigay na natin bilang tulong kung nakaluluwag naman
tayo. Ang mahalaga hindi natin isasakrispisyo ang ating pamilya.
Mahirap din kasi dahil
NAKASISIRA NG RELASYON ANG UTANG
May ilang mga relasyon ang nasira dahil sa pagkakabaon
sa utang. Nandyan yung asawa na laging swipe nang swipe
ng credit card hanggang sa nabaon na silang mag-asawa.
Nandyan naman yung magkaibigan na umutang nang
malaki at pagkatapos ay hindi na rin nabayaran at
hindi na nagpakita o nagparamdam man lang.
Mga kamag-anak na masama ang loob sa isa’t isa dahil
hindi pinautang at hinayaan nang umiral ang inggit
at hindi pagkakaunawaan.
Marami pang mga kwento na nakalulungkot lang din
malaman dahil tungkol sa pera ang pinagmulan. Kaya
dapat, matutunan natin kung paano magbalanse.
Paano humindi nang hindi rin nakasasakit ng damdamin
sa iba. Paano maging mapagbigay nang hindi naman
inaabuso rin ng ibang mga tao.
“Mahalaga ang pera sa buhay natin, pero huwag ito haluan ng galit. Dahil hindi mo namamalayang kinakain ka na pala ng inggit.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Paano mo hinaharap ang mga taong humihiram ng pera sa iyo?
- Anong klase ng tao ang maaari mong mapagkakatiwalaang pahiramin ng pera?
- Paano mo naman binabayaran ang iyong mga utang?
Introducing my latest book: “MY UTANG DIARY: Maging Utang Free para sa Buhay na Stress-Free!” Kung sawa ka na sa utang at gusto mo na makalabas dito, grab your copy now for only P190+100 Shipping Fee. Click here now: http://bit.ly/2kifovQ
And for a limited time only, I will give you another NEW book that my wife and I wrote called: Pera ni Mister, Pera ni Misis also for FREE!
**Bulk/ Reseller package also available. Promo is only until October 6, 2019**
20 Books (Buy 20 Get 20) + 5 Free Sets – PHP 3,800
40 Books (Buy 40 Get 40) + 15 Free Sets – PHP 7,600
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
- Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
- Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
- Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.