Feeling mo ba katapusan na ng mundo?
Feeling mo ba nasa dead end ka na?
Naubos na ba ang luha mo at wala ka nang maiyak?
Well, hindi lang ito basta kasabihan at lalong hindi ito pampalubag-loob sa mga taong nawawalan na ng pag-asa. Isa itong katotohanan na subok na ng panahon. Kaya naman hindi tayo dapat nawawalan ng pag-asa. Hangga’t humihinga tayo at tumitibok ang ating puso, may pag-asa pa.
Siguro iniisip nyo na ang daling sabihin ito pero mahirap gawin, lalo na pag nandun ka na sa napakahirap at napaka-challenging na sitwasyon. Ano nga ba ang maaari nating gawin kapag feeling hopeless na tayo? Ito ang ilan sa maaari nating gawin:
LOOK AROUND
Magmasid ka sa paligid mo. Sa pagmamasid mo makikita mong hindi lang ikaw ang may pinagdadaanan. Hindi lang ikaw ang may mga pagsubok. Hindi lang ikaw ang may mga testings, trials and challenges in life. Samakatuwid, hindi ka nag-iisa.
May nakaranas, dumaranas at dadanas ng pinagdadaanan mo. Kung titignan mo rin, mas mahirap pa nga ang pinagdadaanan ng iba pero patuloy silang lumalaban. Kung titignan mo, mas mapalad ka pa nga.
Nag-away lang kayo sa asawa mo, gusto mo ng makipaghiwalay sa kanya, samantalang yung iba ay namatayan na ng asawa. Bumagsak ka lang sa exam, samantalang yung iba talagang hindi afford makapag-aral. Hindi ka lang nakapag-merienda, nade-depress ka na agad, samantala yung iba hindi pa kumakain.
The key here is not to compare your situation with others but to be grateful and thankful. Always look at the brighter side of life. No matter how bad things are, there is always good in something. So look around. Lahat tayo may pinagdadaanan. Kung nalampasan at napagtagumpayan ng iba, ikaw din, kaya mo.
LOOK FOR A SUPPORT GROUP
Sa mga panahong feeling down at hopeless ka na, don’t isolate yourself. Huwag ka ng mag-emo at sasabihin mo pang ‘gusto mong mapag-isa’. Yung mga gusto laging mapag-isa ay hindi nakakayanan ang burst ng strong emotion kaya minsan nagpapakamatay nalang. Kung meron kang support group na aalalay, yayakap, makikinig, mag-e-encourage, maga-advise, tatapik ng balikat mo, mag-eentertain sayo, mananalangin para sayo, magpapakain sayo sa Jollibee, manlilibre sayo ng foot spa at fishball, at kung ano-ano pa, siguradong mabubuhayan ka ng loob. Everybody needs somebody. Huwag mong ilayo ang sarili mo sa mga taong maaaring makatulong sayo. You need them more than ever now. Surround yourself with positive people who will build you up.
LOOK UP
Ito ang pinakamahalaga sa lahat. Kapag ipinagkatiwala mo sa DIYOS ang iyong buhay at inilagay mo sa Kanyang mga kamay ang iyong pag-asa, hinding-hindi ka mapapahiya. Hinding-hindi ka Nya bibiguin. He won’t let you down. Malinaw na malinaw ang sabi sa Bible:
Isaiah 49:23
“I am the LORD, those who hope in me will not be disappointed.”
People may disappoint us or even give us false hopes, but GOD will never disappoint us.
Before I close this blog, may this verse from the Bible, which is His Word, encourage you and give you hope.
“No temptation has overtaken you except what is common to mankind. And God is faithful; he will not let you be tempted beyond what you can bear. But when you are tempted, he will also provide a way out so that you can endure it.” — 1 Corinthians 10:13
THINK. REFLECT. APPLY
Nawawalan ka na ba ng pag-asa?
Do you have a support group?
Have you tried looking up?
Did this article inspire you to have hope again? You can also look through these related topics:
- GUSTO MO BA MAABOT ANG IYONG MGA PANGARAP?
- A NEW HOPE
- MAWALA NA ANG LAHAT WAG LANG MAWALA ANG PAG ASA
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.