Anu-ano nga ba ang mga financial lessons na maaari nating matutunan kay Kobe Bryant? Grabe, nung nalaman ko ito, hindi lamang ako humanga sa kanya, talagang s’ya ay isang lodi!
Napakagaling hindi lamang sa larangan ng kanyang sports kundi pati na rin sa pagtaguyod sa kanyang pamilya at paghawak ng kanyang finances. Truly, I salute him! Bakit?
HE BUILT A HAPPY FAMILY
Despite his work, hindi n’ya pinabayaan ang pamilya niya. Hindi s’ya nawalan ng oras para sa mga ito. He made sure na makapupunta s’ya sa mga mahahalagang events ng kanyang pamilya.
Hindi n’ya hinayaan na makuha ng oras ng basketball at endorsement ang oras n’ya para sa kanyang pamilya. Higit sa lahat he left his family with financial security.
HE INVESTED HIS MONEY PROPERLY
Kahit napakadami n’yang endorsement at sikat siyang basketball player, alam n’ya na ang kanyang trabaho ay hindi panghabang-buhay kaya naman nag-invest s’ya, pinalago n’ya ang kanyang pera.
Alam naman natin na maraming mga players na pagkatapos ng career nila, sila ay bankrupt na kasi walang naitabi at hindi nag-invest nang tama. Pero si Kobe, magaling s’ya sa kanyang finances. Malaki ang naipon nyang pera dahil nag-invest s’ya sa ibat-ibang companies.
HE USED HIS BLESSINGS TO BLESS OTHERS
Ito rin ang isa sa hinangaan ko sa kanya. Ginamit n’ya ang mga natatanggap nyang blessings para makatulong sa iba. Ginamit n’ya ang kasikatan para maimpluwensyahan ang kabataan to achieve their goals.
Naging boses din sya ng mga kabataan na naapektuhan ng gera. Sabi pa nga n’ya:
“If we can unite people who are willing to take a stand, miracles can happen… Together we have the power to save the world.”
Kaya naman para sa mga ama rin dyan, gawin nating huwaran si Kobe Bryant. Maging isang family man, matutong mag-invest nang tama at maging inspirasyon sa ibang mga tao.
“Huwag sayangin ang blessings na natatanggap. Kailangan matutong mag-invest para sa hinaharap.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw, ano ang mga natutunan mula sa buhay ni Kobe Bryant?
- Paano mo sini-secure ang finances ng iyong pamilya?
- Gaano kalawak ang kaalaman mo pagdating sa investment?
Watch this video:
Life And Financial Lessons From Kobe Bryant
RETIRE YOUNG AND LEARN HOW TO INVEST: Enroll now sa aking online course HOW TO RETIRE BEFORE 50.
Invest and do the right thing. Click here https://lddy.no/8vaq
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.