Bilang isang celebrity, minsan hindi na rin natin
nakikita ang difference ng isang follower at ng
isang fan. Pero mahalaga bang alamin ito?
Ang ating Panginoon, hindi Niya hiniling na maging
fans Niya tayo. Ang nais Niya ay maging tagasunod
Niya tayo. Dito natin tingnan ang puntong ito.
Gusto kong ibahagi sa inyo sa blog na ito ang mahalagang
role natin at ang maaari nating impluwensya sa ibang
tao. Ano ba dapat ang ating goals para sa ibang tao?
Subukan nating isa-isahin ang mga ito.
MAGPASIKAT O MAKAPAGBIGAY INSPIRASYON?
Dahil na rin sa technology, napakadali na lang mag-upload
ng kung anu-anong video sa kahit na anong social media
platforms. Kaya mahalagang alam natin ang ating mission.
Binigyan tayo ng ating Panginoon ng sarili nating talento
kaya magandang gamitin natin ito upang maging
inspirasyon at boses para sa ibang mga tao.
Mahalaga lamang ay marunong tayo makinig sa kung
ano ang totoong nangyayari. Gayundin ang halaga ng
ating gagawin para sa ibang mga tao.
Kung gusto natin maging kilala o sikat, kaakibat nito ang
ating buhay na magiging public na rin, kaya dapat ay
mas maingat tayo dahil maaari tayong makaimpluwensya.
Kahit simpleng mamamayan lamang tayo, may mga ginagawa
tayo na nakakaapekto rin sa iba. Kaya maging matalino sa
bawat gagawin upang maging mabuting huwaran sa iba.
Maaaring hindi maganda ang ating naging karanasan, pero
hindi ito dahilan upang hindi maging inspirasyon sa iba dahil
bawat isa sa atin ay may kakayahang gumawa ng kabutihan.
MAGMAGALING O MAGBIGAY KAALAMAN?
Ang dami na ring mga lumalabas na iba’t ibang balita sa
ating social media at mga sites kaya dapat mas maging
maalam at mapanuri tayo sa ating mga binabasa.
Hindi naman lahat ay expert sa kanilang mga sinusulat at
ang iba naman ay kulang ang karanasan at kaalaman sa
totoong balita kaya dapat alam nating pumili ng babasahin.
Legal ba ito? May basihan ba ito? Sino ba ang nagsulat o
nagsasalita? Expert ba ito? Alam ba talaga niya ito?
Mapagkakatiwalaan ba ito? Totoo ba ito o hindi?
Bilang magulang, responsibilidad din natin na alamin ang
mga ito. Gayundin ang mga anak sa kanilang mga magulang.
Kailangan natin magtulungan upang hindi tayo maloko.
Hindi natin makokontrol ang mga iniisip ng mga tao at ang
kanilang mga gustong gawin, ngunit tayo sa sarili natin ay
kaya nating maging responsible citizen sa ating bayan.
Hindi natin kailangang maging magaling sa lahat at sa
bawat pagkakataon. Ang mahalaga ay gumawa at mag-isip
ng mas ikauunlad natin na hindi ikapapahamak ng iba.
MANGIALAM O MAGBIGAY NG TULONG?
Malamang alam n’yo na rin naman ang mukha ng may
pakialam sa taong nangingialam lamang. Lalo na sa
social media, post lang ng kung ano, hala viral na!
Hindi na iniisip kung ano ang magiging epekto nito
sa tao mismo na tinutukoy dito o sa mga taong
makakakita nito. Basta makapagpost lang bahala na.
Pero hindi naman pwedeng laging bahala na lang.
Alam kong may freedom of expression tayong lahat
Pero kailangan pa rin nating maging responsable.
Kung nasaktan tayo o may hindi magandang naranasan,
kailangan ba na ipaalam talaga natin sa buong mundo
at kunin ang simpatya ng mga tao? Solusyon ba ito?
Kung nagtalo kayo ng asawa mo, dapat bang i-post
mo pa sa Fb? Solusyon ba ang shout out? Hindi ba kaya
tayo ay may pamilya at kaibigan para may malapitan?
So kung tayo ay isang fan, normal lamang na hangaan
natin ang ating idolo, pero kung follower tayo, dapat nating
isipin kung bakit natin siya sinusunod. Bakit nga ba?
“Tinatawag tayo ng Panginoon hindi upang maging tagahanga;
tinatawag Niya tayo upang maging tagasunod ng Kanyang gawa.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga kakayahan mo na nais mong ibahagi sa iba?
- Paano mo hinaharap ang mga negatibo at hindi magandang pangyayari sa iyong buhay?
- Sinu-sino ang mga taong pinaniniwalaan mo at may magandang impluwensya sa iyo?
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
- Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
- Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
- Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.