May sasakyan man o wala,
lahat ay apektado na sa pagtaas ng gasolina.
Ako, ang full tank ko noon ay P2,000.
Ngayon, P2,500 na!
Yung dating P7.00 na pamasahe sa jeep,
ngayon P9.00 na ang minimum!
Oh my gas talaga!
Ang layo na sana ng narating
nung dating presyo pero wala
naman din tayo magagawa.
Kung pwede nga lang langis sa mukha
ang ilagay natin, eh baka lagi na
tayong naka full tank. Hahaha.
Ganon ata talaga eh.
Dahil nakadepende ito sa galaw ng merkado.
Pero kahit papaano,
on our own little ways, pwede naman
tayo mag adjust para makabawas bawas sa gastusin.
Imbis na punuin ang FB ng mga status
kung gaano tayo kainis o kagalit sa gobyerno,
pagtuunan natin ng pansin na lang
kung paano tayo makakaraos.
Paano?
KAPAG MALAPIT, LAKARIN NA LANG. gas
(Photo from this Link)
- 500 meters to 1KM lang, magkokotse pa.
- Pupunta lang sa kapitbahay, nakasasakyan pa.
- Isang tambling lang yung pupuntahan, sasakay pa.
- Sa kabilang kanto lang, mag ta-taxi pa.
Eh baka naman pwede na natin lakarin
para hindi lang gastusin ang mabawasan
kundi pati na rin ang ating mga timbang.
Sa bawat andar kasi natin at bayad ng pamasahe,
malaking kawalan ito sa ating pera.
We are convenient nga ng nakasakay
kasi malamig, relax at chill lang pero
nai-istress naman tayo sa gastusin at traffic.
So tayo na ang mag-adjust at
magsakripisyo ng kaunti.
Tutal, para sa atin din naman yung gagawin natin.
HINDI KAILANGANG PUNTAHAN LAHAT NG GALAAN gas
(Photo from this Link)
Nasa QC tayo, nag-aya sila sa Makati.
Push!
Nananahimik tayo sa bahay at nagpapahinga,
nag-aya si Bes sa bagong bukas na restaurant,
bangon agad-agad.
Pauwi na sana tayo kaso nagkantyawan
sa opisina kasi bagong sweldo,
walang isip-isip, sama kaagad!
Sila yung mga sinasabing
isang ‘sutsot’ lang, ang dali-dali ayain.
Wala namang masama dito,
siyempre this can be our time to
relax, unwind, and treat ourselves.
Pero hindi lahat ng lakad dapat sinasamahan
lalo na kung tayo ay nagtitipid at
nanghihinayang sa gas at pamasahe.
Domino effect na kasi ‘yan.
Tandaan na hindi lang gas at pamasahe
ang ilalabas na pera.
Siyempre gagastos sa pagkain,
dessert, minsan sa mall habang
naglalakad lakad tayo at may nakitang
Sale — wala na, ubos kaga’d!
Hinay-hinay lang.
Hindi naman masamang tumanggi.
KUNG SAAN MAS MAKATITIPID, DU’N TAYO. gas
(Photo from this Link)
Kung mas makatitipid kapag:
- Nag-jeep imbis na mag tricycle na special, GO!
- Maglakad kaysa sumakay, GO!
- Share-a-ride o carpool, GO!
- Magbisikleta lalo na kung malapit lang, GO!
- Hindi tayo sumama sa galaan, STAY!
Tayo ang mag-aadjust.
Dahil sa ngayon, hindi pa kaya ng ating gobyerno.
Sabi nga, kapag maikli ang kumot,
matutong mamaluktot.
“Oh my GAS ang taas ng GAS! Pero kailangang lunukin, tanggapin, at mag-adjust.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Sa paanong paraan ka naapektuhan ng pagtaas ng gasolina?
- Do you drive a car or commute?
- Either way, paano ka kaya makatitipid?
====================================================
WHAT’S NEW?
MY BADYET DIARY (NEW BOOK) for 150+100 sf
To order, go to http://bit.ly/2NUkSqi
Also available in BULK ORDERS
BUSINESS IN A BOX: Process before Profit Online Coaching
@4,999 (instead of P9,999)
To register, go to: http://bit.ly/2QgtB6H
FREE 30-day replay
CHINKTV (ONLINE COURSE) for P799
How to Retire at 50
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
To register, go to http://bit.ly/2PCd7Xi
ONE YEAR Access!
DIGITAL MONEYKIT @P2,499
For more details, click here: http://bit.ly/2K6QLZZ
DIGITAL IPON KIT @P299
For more details, click here: http://bit.ly/2MHBzYG
=====================================================
NEW VIDEO
“HOW DO I SQUEEZE ME TIME?”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2IAknjb
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.