“Goal kong pumayat”
“Dream kong yumaman”
“Gusto kong maayos ang relasyon naming mag-asawa.”
“Target kong ma-promote sa trabaho.”
“Pangarap kong makarating sa iba’t-ibang lugar.”
Ang gaganda ng mga goals na yan.
Yun nga lang, baka mauwi sa pagiging “‘wish ko lang” kapag hindi natin pinagplanuhan kung paano ma-a-achieve ang mga ito.
Hindi kailangan ng genie sa lampara o kahit anong “magic” para magka-totoo ang nasa “wish list” natin.
If we want to achieve something, we need to get up, plan and act.
Walang shortcut pagdating sa pagkamit ng ating goals.
Posibleng ibang level ng sakripisyo, mahabang panahon at tiyaga
Ang kailangan natin ibigay para magkaroon ng katuparan ang ating mga pangarap. Kakapagod man, may good news naman dahil siguradong makakamit mo rin yan.
Para maging gabay sa pagkamit ng iyong pangarap, kailangan mo ng:
VISION
(Photo from this Link)
Saan mo nakikita ang sarili mo in the next 5 years?
Anong na-i-imagine mong estado sa buhay?
Mahalagang masagot mo ang mga tanong na ito dahil dito naka-angkla ang direction mo.
STRATEGY
(Photo from this Link)
Anong steps at diskarte ang kailangan mong gawin to achieve your goal?
TIME TABLE
(Photo from this Link)
5 year plan ba ito?
O gusto mo agad-agad?
What’s your deadliest deadline?
Napakahalagang may agenda ka na sumasabay sa schedule o target date mo.
Why oh why? Well, kapag malinaw sa yo ang deadline mo, magiging aware ka kung paano mo ginagamit ang oras mo. Mas magiging efficient ka sa pag-gamit ng energy at resources mo.
CHALLENGES
(Photo from this Link)
Along the way, siguradong may mga obstacles. Hindi naman sa nagpapaka-nega, but it will work to your advantage if you anticipate and prepare for them.
Meaning – ready dapat ang solution mo.. Kung baga sa gera, mainam na handa ka sa laban.
PEOPLE TO INVOLVE
(Photo from this Link)
Sino ang mga taong maaaring makatulong sa ’yo para makamit ang goals mo? Identify them, reach out to them at huwag mahiya humingi ng tulong.
BUDGET
(Photo from this Link)
Hindi lang oras at energy ang investment para ma-achieve ang goals natin. Minsan mabubutas pa nga ang bulsa natin. Pero okay lang, kung mahalaga sa ‘yo ang goal mo, then it’s worth every centavo.
Para hindi manatiling ‘wish ko lang’ ang mga goals natin, let’s start planning.
“Marami tayong gustong abutin. Focus lang para maging hindi sad ang ending.”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY
- When was the last time you planned to accomplish something?
- What are your struggles when it comes to planning?
- How do you see yourself 10 years from now?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.