“Hindi ko naisip na ikasisira ng buhay ko ang negosyo.”
Ito ang malungkot na tono ng sinakyan kong Grab pauwi isang beses. Mainit ngayon ang usapang Grab at Uber dahil sa paghigpit ng gobyerno sa mga colorum.
Kuwento sa akin ng driver ng aking nasakyan: Dati siyang empleyado na maganda ang komisyon at suweldo, pero nang ma-enganyo siya sa kita bilang Grab driver, nagdesisyon siyang bitawan ang trabaho niya at bumili ng ilan pang kotse pang-negosyo, hanggang sa nagkaroon siya ng sarili niyang fleet na may walong kotse at walong drivers.
Ang problema, hindi lahat ng kotse niya ngayon ay may provisional authority na bumiyahe mula sa LTFRB. At dahil hindi pa nareresolba ang isyu, nangangamba siyang kailangan na niyang ibenta ang lahat ng kotse, dahil naka-car loan ang mga ito, at walang kita kung hindi rin sila makakabiyahe sa kalsada.
Sabi ng driver: “Sana hindi na lang daw siya nagnegosyo.”
(Photo from this Link)
Pero sa kuwentuhan namin, naisip namin na teka muna, may ilang kotse pa naman siyang hindi colorum, na puwede pang bumiyahe bilang Grab. Bukod roon, may ilan naman siyang kotse na hindi man puwedeng gamitin bilang Grab, puwede namang ipa-arkila bilang private pansamantala.
Bes, pagdating sa negosyo, hindi mawawala ang pagsubok.
Huwag tayong panghinaan ng loob kapag may nangyaring hindi inaasahan. May ilang paraan para malampasan ang mga pagsubok na dumarating:
BAGUHIN ANG MINDSET
(Photo from this Link)
Minsan may mga pinapasok tayong negosyo o mga desisyon dahil sa magandang benepisyo na maibibigay sa atin ng mga ito. Walang masama roon. Pero kapag nagkaroon kasi ng pagsubok at ito lang ang ating mindset, siguradong made-depress tayo.
Baguhin natin ang perspektibo: bukod sa benepisyo sa atin, ang negosyo ay isang serbisyo. May problemang tinutugunan, may taong tinutulungan.
Kapag ganito ang mindset, madali na lang dumiskarte kapag umabot sa puntong hindi umubra ang unang bentahe ng negosyo.
HANAPIN ANG “BAKIT“ NG NEGOSYO
(Photo from this Link)
Sa kahit anong negosyo, kailangang malinaw kung ano ang puso nito. Ano ang ibinebentang serbisyo ng iyong negosyo?
- Hi-tech bang software sa iyong sasakyan? O ang pagtitipid ng oras ng pasahero at seguridad ng mga ito habang bumibiyahe?
- Magandang itsura ng restaurant ba? O masarap na pagkaing nakakapagpa-limot ng pangalan?
Kapag nahanap ang “bakit”, mahahanap ang “paano”.
MAGHANAP NG SOLUSYON
(Photo from this Link)
Hangga’t may buhay, may pag-asa.
Imbes na isipin natin kung ano ang mali, mag-isip na lang tayo ng solusyon!
Ano pa ang puwedeng gawin sa ating mga pinundar? May kotse ka pa bang puwedeng ipa-arkila? May mga tinda ka pa bang puwedeng ilako ng ibang paraan? Imahinasyon lang, bes! Magtanong din tayo sa mga mahal natin sa buhay.
Two heads are better than one, ika nga.
“Sa lahat ng krisis, may natatagong oportunidad basta tama lang ang mindset”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang mindset mo sa pinasok o papasukin mong negosyo?
- Ano ang serbisyong ibinebenta mo?
- Sakaling may pagsubok, ano ang puwede mong diskarte para mag-adjust?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.