Lahat ng mahahalagang gawain, may deadline.
School projects..
Office reports…
pati na ang pag-abot ng quota sa sales.
Normal lang ang maging stressed at hindi magkanda-ugaga kapag papalapit na ang ora de peligro.
Pero hindi naman puro negatibo lang ang dulot ng deadlines.
Sigurado akong kilala mo si Steve Jobs.
Kung wala siya, hindi natin matitikman ang gadgets na gaya ng iPhones, iPads at iba pang Apple products.
Halos lahat ng ginawa at inimbento niya nakakamangha.
Yun nga lang, ibang klase rin ma-lula ang mga katrabaho at empleyado niya sa mga deadlines na ini-impose niya.
Kadalasan daw masaklap dahil parang “impossible” ang hinihingi niya.
Malamang, hindi nila naisip na may magandang ibubunga ang mga demands na ito.
Share ko lang ang ilan sa mga advantages na nagmumula sa deadlines.
MAKES YOU THINK OUTSIDE THE BOX
(Photo from this Link)
Napu-pwersa tayong dumiskarte. Minsan dahil na rin sa pressure, kahit hindi sinasadya, nakaka-imbento tayo ng bagong pamamaraan o produkto na hindi natin maiisip kung walang elemento ng ngarag.
MAKES YOU MAXIMIZE YOUR TIME AND RESOURCES
(Photo from this Link)
Kabag may deadline na naghihintay, de-numero ang kilos mo at hindi uubra ang “wala lang” o “pwede na yan” moments.
Nagiging wais tayo sa paglalaanan ng oras at energy dahil alam mong hindi pwede mapag-iwanan.
IT TOUGHENS YOU UP
(Photo from this Link)
Whenever we meet deadlines, nare-realize natin na kaya pala natin.
Na-di-discover natin na ang potential natin ay pwedeng pagyamanin. Nalalaman natin ang mga tila imposible noon ay kayang-kaya naman pala.
Kaya sa next round ng pressure, hindi ka basta -basta natitinag.
“Sa deadline nagigising ang potential ng iba.”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
May deadline ka ba para sa mga goals mo?
May napala ka bang mabuti sa pagsunod sa deadline?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.