May mga pinagdadaanan ba ang iyong business ngayon?
Ano ang pananaw mo dito?
May ibang tao, ang iniisip siguro…
“Ayoko na!”
“Hindi na ako makakabawi pa!”
“Malas ko talaga!”
Pero may iba din naman, ang naiisip ay…
“Kaya ko ito!”
“Maliit na problema lang ‘to!”
“Gusto ko ‘tong challenge na ito!”
RECOVER QUICKLY means they remain POSITIVE against all odds— “mina-mani” lang nila ang problema, and this is what we need to learn to be a great entrepreneur.
How?
GET BACK UP
Nalugi? Madaming utang? Nawalan ng client?
Okay lang yan!
Walang masama if you will feel depressed, normal iyan. Pero dapat bumangon ka uli at huwag makulong sa nararamdamang kalungkutan.
EAT REJECTION
CHALLENGES for Breakfast
EMBARRASSMENT for Lunch
ISSUES for Snacks
PROBLEMS for Dinner
Sabay dighay!
Ganon ka simple at ganon ka bilis lang nila itrato ang mga napapagdaanan nila sa business. Kung may problema, tignan lang natin ito na parang kumakain lang.
Because the more we digest the heaviest and the worst, the more na mas magiging madali na lang para sa atin ang kahit ano.
Hindi nabibigla.
Hindi nagugulat.
DON’T LET IT AFFECT YOU
Huwag hayaan na maapektuhan ang sarili, dahil once na hinayaan natin ito, pati ang trabaho, pamilya, at mga tao sa paligid natin ay maapektuhan na rin.
Kalma lang para maka-isip ng maayos.
Magdasal kung anong dapat gawin.
Isipin na walang problema ang hindi masosolusyunan.
“It is not how many times you FALL but how many times you STAND”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- What problems are you encountering now?
- Paano mo ito hina-handle?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.