HANDA KA NA BA? GAME KA NA BA?
Can you still remember yung game show na “Game Ka Na Ba?”
Bago mag-umpisa yung game, tinatanong ang lahat ng mga participants kung handa na ba sila.
Sasagot sila ng sabay-sabay,
“Handa na!”
“Game Ka Na Ba?”
“Game na!”
Sana meron din magtatanong sa atin kung handa o game na ako? Unfortunately, sa tunay na buhay, hindi tayo tinatanong ng tadhana.
Life is full of unexpected things.
Masigla naman noong isang araw, bigla na lang may nagkakasakit.
Ok naman si misis, bigla na lang hindi ka na lang kikibuin.
Maaraw naman kanina, bigla na lang uulan.
Masaya naman kayo kanina, bigla na lang kayo mag aaway.
In other words, no one can control and predict the future.
Ang mga pagsubok bigla na lang darating ng walang pasabi-sabi.
Ang mga taong naninira, walang humpay ang pagkalat ng maling akusasyon.
Ang mga taong natulungan mo, sila pa ang tumraydor sa’yo.
Kaya nga may kasabihan, dapat para tayong mga boy scout, parati laging handa.
Handa ka kahit sa ano mang panahon?
Umulan man o umaraw, dapat laging handa.
Sa panahon ng kasaganaan, dapat marunong tayong mag-tipid para sa pagdating ng panahon ng kakulangan ay meron tayong gagamitin.
Sa panahon ng kasikatan, dapat marunong tayong magpa-kumbaba para sa pagdating ng panahon na wala na ang kinang, meron tayong mga kaibigan.
Sa panahon ng kalusugan, dapat marunong tayong mag-alaga ng ating katawan para pagdating ng panahon hindi tayo magiging sakitin.
“Dapat tayong laging HANDA, para hindi MABIGLA”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Handa ka ba kahit ano man ang dumating sa iyong buhay?
- Game ka ba harapin ang mga pagsubok sa buhay?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.