Talaga nga namang kinababaliwan ng mga Pinoy ang pinakasikat na love team ngayon na AlDub sa Eat Bulaga.
Maliban sa laging trending ang AlDub-related hashtags at mataas na TV rating, ilan pang patunay na talagang madami nang supporters ang AlDub phenomenon ay …
Ang pagiging fourth fastest growing account in the WORLD ng Twitter ni Yaya Dub o Maine Mendoza.
470% increase ng sales ng McDonald’s mula nang lumabas ang TV commercial ng AlDub.
Out of stock na cellphone unit ng O+ na ine-endorse ni Yaya Dub at Lola Nidora.
In just 6 days, halos sold out na ang magazine kung saan si Alden ang nasa cover.
At maging ang lipstick brand na personal lang na ginagamit ni Yaya Dub pero hindi naman niya ine-endorse ay na out of stock din.
And the latest news, Ticket World announced that it broke all records on the first day ticket sales ng kanilang Phil. Arena performance for #ALDUBTheBigSurprise.
Bakit nga ba ganito kabaliw sa AlDub ang mga Pinoy, hindi lang mula Batanes hanggang Jolo kundi pati ang mga Pinoy sa ibang bansa?
One of the obvious reasons is because they offer the Filipino people INSPIRATION. Huh! Anong inspirasyon? Nagpapatawa lang naman sila at wala nang ginawa kung hindi mag-dubmash at sumayaw. May mga iba na ang tingin sa AlDub phenomenon ay kababawan pero sa tingin ko TUMATAGOS NG MALALIM ang kanilang INSPIRASYON sa puso ng madaming tao.
Anong klaseng INSPIRASYON?
INSPIRATION NA MERON PA PALANG FOREVER
Sa panahon na ang pag-ibig ay parang cellphone na lang. Kapag nagamit na, napagsawaan na; Ano na ang ginagawa? PINAPALITAN NA! INU-UPGRADE NA!
Hindi mo pwedeng gawin yan sa pag-ibig. True love is not only about feelings and emotions. It is all about COMMITMENT. Kailangan ipaglaban mo ang iyong pag-ibig kahit nahihirapan na tayo. Hindi porke???t kayo na at may nakikita na kayong mga defects at pagkakamali sa isat??? isa, aayaw ka na.
Dapat ipaglaban natin na dapat kayong magkasama ng FOREVER. Katulad ng ginagawa ni Alden na ipinaglalaban niya ang lahat para magkita lang sila at magkasama ni Yaya Dub kahit ng saglit.
Maliban dun, they send us a good message of …
INSPIRATION NA NEVER GIVE UP ATTITUDE
Madaming pagsubok dito sa mundong ibabaw. It’s natural para sa atin na minsan na NAKAKASAGAP tayo ng kanegahan kung tayo ay dumadaan sa matinding kahirapan. Kaya napakabilis tayong ma-discourage at umayaw kung tayo ay nahihirapan na.
Pero may isang paulit-ulit na nababanggit sa kalyeserye ni Lolanidora ay yung katagang “SA TAMANG PANAHON.”
This is an inspiration to us all, na lahat ng bagay na ninanais natin ay matutupad kung tayo hindi tayo aayaw at ating makakamit sa tamang panahon.
Kayo, ano sa palagay ninyo, tatagal pa ba itong kalyeserye?
Ito ang aking paniniwala, hangga’t ipagpapatuloy ng loveteam na ito ang pagpapakilig, pagbibigay inspirasyon at pagpapakalat ng positive vibes, patuloy pa na madadagdagan ang rason para sila ay tangkilikin at kabaliwan ng mga Pinoy.
Dito rin napatunayan na hindi mo kailangan mag-green joke, mambastos ng kapwa para magbigay aliw sa mga manonood. You just need to be an INSPIRATION to others in order to live a life of meaning and substance.
THINK. REFLECT. APPLY.
Nababaliw ka din ba sa AlDub?
Kung oo, bakit?
Ikaw ba ay nagiging inspirasyon o nagbibigay ba ng positive vibes din sa mga taong nakapaligid sa iyo?
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you enjoy this article? You can also check these related posts on what we can learn from AlDub:
- Bakit Malapit Sa Puso ng mga OFW yung #AlDub
- How can you relate Aldub Phenomenon to Marriage?
- May Matutunan ba tayong Values sa Pagpapanood kay Aldub?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.