Narinig n’yo na rin ba ang expression na “Harahay”?
Ito ang pinaiksing salita na “Hay! Sarap buhay!”
Ito talaga ang masasabi natin kapag alam nating secure ang future natin at may peace of mind tayo dahil nakaipon tayo ng ating pang retirement fund.
Kaya naman in this blog, I want to share with you the advantages of having a retirement fund.
INDEPENDENCE AND SECURITY
“Nak, baka may extra ka d’yan. Kailangan ko lang ng pambili ng gamot.”
“Sino kaya ang pwede pa nating lapitan ngayon?”
“Nakakahiyang lumapit na naman sa kamag-anak natin”
Grabe. Ganito ang mga linya kapag retired ka na at hindi mo ito napaghandaan. Yung halos magmakaawa na lang sa iba para lang humingi ng tulong. And I am telling you, napakalungkot talaga nito.
Kasi the moment na magretiro tayo at wala nang papasok na income, hindi naman matatapos ang mga gastusin natin ‘di ba? Pero hindi naman pwede na umasa na lang tayo sa iba.
Kaya mahalaga talaga ang may retirement fund para secured ang ating future.
HAPPY AND CONTENT
Sabi nga “Money can’t buy happiness.”
Pero tingnan mo, masaya ka ba kung wala kang pera? Malungkot ka ba kung may pera ka? Siguro nga kailangan nating mahanap ang magpapakuntento sa atin.
Pero aminin din natin na mahalaga ang pera para sa pang araw-araw na pangangailangan natin. Kaya kung may retirement fund tayo, magiging masaya ang pagretiro natin.
Walang financial stress at emotional stress. Kahit naman sabihin natin na dapat tulungan tayo ng mga anak natin, kailangan alam din natin na may sariling buhay din sila.
May mga pangangailangan din sila at kailangan din nilang paghandaan ang kanilang retirement.
PEACE OF MIND
At ito ang pinakamahalagang dahilan kung bakit dapat ay may retirement fund tayo: Peace of Mind
Mas mae-enjoy mo ang retirement mo. Pwede kang mamasyal, kumain, manood ng sine, mag-relax, kasi alam mong secure ka at ang pamilya mo.
Kaya naman…
“Kung gusto mo ng Peace of Mind sa retirement mo, simulan mo na ang pag-iipon sa susunod na sweldo mo.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Magkano ang nakalaan para sa retirement fund mo mula sa sweldo mo buwan-buwan?
- Kailan mo gusto magretiro?
- Ano ang pinakamabisang paraan para makapag-ipon ka ng retirement fund mo?
Watch this video to learn more:
Ang Tamang Diskarte Sa Maginhawang Retirement Ire-reveal Ng Celebrity
Click here: https://youtu.be/obFvHIPa7Zk
RETIRE YOUNG AND LEARN HOW TO INVEST:
Invest and do the right thing.
Click here https://lddy.no/8vaq
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.