Nag-fail ka na ba?
Nawalan ka ba ng trabaho?
Dating ikaw ang nagbibigay, ngayon ikaw na ang binibigyan.
Dating ikaw parati ang number one sa iyong kumpanya, ngayon ikaw pa ang walang benta.
Dati ikaw ang pinagkakatiwalaan, ngayon ikaw pa ang pinagdududahan.
Lahat ng mga bagay na ito ay nakakasira ng confidence at nagiging dahilan ng pagkakaroon ng pakiramdam na wala na siyang silbi at halaga.
Well, kung ito ay naranasan mo, hindi ka nag-iisa!
Maraming tao na pinagdadaanan din ito.
Aminin mo man o hindi, umabot tayo sa punto ng ating buhay na hindi rin naging maganda ang tingin natin sa ating sarili.
Feeling natin na failure tayo.
Nagi-guilty tayo sa mga nagawa nating pagkakamali.
Nahihiya tayo na tayo pa ang tinutulungan.
Kaya ang tanong, ano ang gagawin mo kung umabot sa ganitong sitwasyon?
DRAW YOUR SELF-WORTH FROM YOUR IDENTITY
Ano ba ang tingin mo sa sarili mo?
Kilala mo ba kung sino ka?
Alam mo ba ang tunay mong pagkatao?
Kung ang halaga mo ay nakasalalay sa iyong trabaho, pera, kasikatan, kaibigan, relasyon o accomplishment sa buhay, maniwala ka, forever ka ma de-depress. Dahil lahat ng ito ay pwedeng mawala at maglaho.
We need to anchor our identity not on what we do but on who we really are.
Kung hindi mo kilala ang iyong sarili, chances are, your level of self-worth will not be high.
“Hindi nasusukat ang halaga ng isang tao sa kanyang pera at tagumpay. Ito ay nasusukat kung nagawa mo ba ang adhikain mo sa buhay.”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw, kamusta ang iyong self-worth?
- Mataas ba ang confidence mo or nasa all time low ito?
- Bakit ganoon ang nararamdaman mo?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.