I’m sure na minsan sa buhay natin, nakatanggap na tayo lahat ng rejection.
Na-experience mo na ba ang ma “friend zone”? (Ayyyy, kasakit!)
Na-experience mo na ba ma-reject ng mga friends mo noong inaalok mo silang bumili ng iyong wonderful product? (Mga walang utang na loob!)
Na-experience mo na ba ma-deadma at parang wala silang pakialam sa mga minumungkahi mo? (Mga manhid!)
Ano ba yan! Pati na sa social media posts nararamdaman mo pa rin ang rejection, dahil ikaw ay na-unlike or na-unfriend.
Rejection is inevitable; part talaga ito ng buhay.
We got to learn how to live with or it will destroy us.
Pero katulad ng sinabi ni Miss Columbia, “Everything happens for a reason.”
Tama ka! Bakit?
I believe rejection exists because . .
IT IS AN OPPORTUNITY FOR US TO LEARN
Baka may mali kang ginagawa kaya ka nare-reject.
Baka hindi lang talaga tama ang timing.
Baka hindi lang nila talaga kailangan.
Baka hindi lang nila nakita yung benepisyo.
Maybe our ideas are good, pero we need to always be OBJECTIVE sa pagtanggap ng comments ng ibang tao sa mga ideas natin. Baka kasi masyado tayong naka-focus sa mga details to the point that we are already missing the whole picture.
Aside from that . . .
IT MAKES YOU STRONGER
Hindi ka dapat panghinaan ng loob at dapat gamitin mo ito as a challenge na PATUNAYAN sa iyong sarili na kaya mo ang isang bagay.
Isipin mo nung bago ka pa ma-reject ng company na inapplyan mo, medyo chill ka lang. Pero dahil nasampal ka ng rejection, MAS PAGBUBUTIHAN mo na sa susunod, dahil may gusto ka nang patunayan.
We can use every experience of rejection as a stepping stone towards a BETTER VERSION of ourselves.
And most importantly . . .
IT REDIRECTS OUR FOCUS TO GOD
Kapag kasi wala tayong rejection na mararanasan, feel na feel natin na kayang kaya naman pala natin gawin ang kahit na ano. Nandun yung tendency na ANGKININ natin ang kagalingan.
Pero once na kahit ambon pa lang ng rejection ang dumating, we will realize that we really don’t have the FULL CONTROL of things.
And when we acknowledge that God is in control, magiging KAMPANTE tayo kahit bagyuhin pa tayo ng mga rejection.
Kaya masanay na tayo sa mga kabiguan. The purpose of its existence ay dahil gusto ng Diyos na tayo ay patuloy na matuto, patatagin at umasa sa Kanya sa lahat ng pagkakataon.
THINK. REFLECT. APPLY.
Anong rejection ang natanggap mo lately?
How did you handle it?
Ano ang natutunan mo sa rejection na yun?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? You can also check these related posts:
- How To Deal With Continuous Rejection
- How to Overcome Fear of Failure and Rejection?
- WHAT WILL YOU DO IF OTHERS PUT YOU DOWN
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.