Mainitin ba ang iyong ulo?
Sa init ng panahon, sa sobrang bigat ng traffic, sa hirap ng buhay, sa gulo ng mundo, sa dami ng problema, hindi talaga imposible na hindi mag-init ang mga ulo natin. Tila ba lahat ay…
Mabilis maubos ang pasensya…
Mabilis makapagsalita ng hindi maganda…
Mabilis manghusga…
Mabilis magalit…
Mabilis magbigay ng violent reaction…
Mabilis mag-taas ng boses…
Mabilis mag-pantig ang tenga…
Mabilis tumaas ang dugo…
Mabilis manakit…
Mabilis mag-assume…
Mabilis mag-isip ng hindi maganda…
Sa madaling salita, mabilis mag-init ang ating mga ulo.
Pero alam nyo ba na hindi natin maaayos ang isang problema kung dadaanin natin sa init ng ulo? Sa totoo lang, mas pinapalala pa natin ang ating problema at sitwasyon kapag hindi tayo nagpipigil ng ating sarili. Ang maliit na butas, lumalaki. Ang maliit na sigalot, nagiging gyera. Ang maliit na tampuhan, nauuwi sa sumbatan at sabunutan.
Walang magandang maidudulot ang init ng ulo sa atin pati na rin sa mga tao sa paligid natin. Lalong wala tayong mapapala kung idadaan natin lahat sa init ng ulo. Bukod sa bumibigat lang ang loob natin at nasisira ang ating mood, unti-unti din nasisira ang mga pinagpaguran, ang mga trabaho, lalo na ang mga relationships natin ng di natin namamalayan.
Sa halip na maging mabilis mag-init ang ating mga ulo, mas mainam kung mas…
Bibilisan nating umunawa..
Bibilisan nating tumikom ang bibig..
Bibilisan nating magpasensya..
Bibilisan nating magpaubaya..
Bibilisan nating mag-isip bago mag-react..
Bibilisan nating maging malumanay..
Bibilisan nating umasa sa grasya ng Diyos!
“A gentle answer turns away wrath, but a harsh word stirs up anger.”
Proverbs 15:11
Kung gusto mong masolusyunan ang problema, cool ka lang. Huwag mainitin ang ulo kung ayaw mong sa huli ikaw ay magsisi ng todo.
THINK. REFLECT. APPLY.
Mainitin ba ang iyong ulo?
Saan madalas mag-init ang iyong ulo?
How do you control your temper?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you enjoy this article? You can also check on these related posts:
- PETMALU SA PAGKAMAINITIN ANG ULO
- MAINITIN BA ANG IYONG ULO?
- Ano ang Gagawin Mo Kung Matigas ang Ulo?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.