Have you ever experienced reaching the end of your rope?
Yung hindi na alam kung anong gagawin dahil sa sobrang
dami ng problema na nagkapatong-patong pa.
Ang hirap sigurong makabangon kung ganon.
But despite the trials and problems in life, have you
ever wondered kung bakit marami pa rin ang nagpapatuloy
sa buhay at nagiging matagumpay? Here’s what we can do
whenever we encounter problems and trials in life:
ALALAHANIN NATIN KUNG BAKIT AT PARA SAAN
Marahil minsan, madali lang sa atin ang makalimot kung ang sitwasyon natin sa buhay ay hindi naaayon sa kung ano ang gusto natin. Pero ang hindi tama ay yung patuloy tayong makalilimot kung bakit tayo nagsimulang mangarap, magsumikap at lumaban sa buhay, at kung para saan natin ito ginagawa.
Kung pakiramdam natin ay parang darating tayo sa ganitong punto ng buhay, let’s keep on reminding ourselves “why” and “what for”. Hindi rin naman siguro tayo makararating nang ganon kalayo kung nasaan man tayo ngayon kung hindi dahil sa drive at inspirasyon natin bakit tayo nagpatuloy, ‘di ba?Let’s know and keep our why and what for sa pagpapatuloy natin sa buhay..
ALWAYS LOOK UP WHENEVER THINGS ARE GOING DOWN
Kung tayo’y titingala sa mga oras na ito, ano ang ating makikita? Siguro ang iba – puting kisame, ibong mataas ang lipad o kaya ay ulap. Aminin natin, kisame man ‘yan, ibon o ulap, kapag tumitingala tayo, kadalasan ay nakapagpapagaan ng loob.
Hindi ba’t kung tayo ay tumitingala, naaalala nating manalangin? Minsan pa nga ay may kasamang luha at sakit.
Kung darating tayo sa punto na hindi na talaga natin kaya,
ang pagtingala is also a good reminder of surrender.
Ibig sabihin, we are surrendering everything to God
through our prayers, petition and thanksgiving.
Let’s make this a habit whenever we feel na susuko na tayo,
instead of hurting ourselves – MAGDASAL.
HUWAG SUSUKO AGAD, PATULOY LANG!
At higit sa lahat, huwag na huwag tayong susuko agad.
Sabi nga nila, the moment you quit no matter if it’s too early or too late, hindi na natin makikita kung ano yung naihanda sa atin sa finish line. Parang ganun din sa buhay, sa bawat pagsubok.
Kung ngayon pa lang ay susuko na tayo kaagad kahit hindi pa nga nagsisimula ang laban, para na rin nating ipinagkait sa sarili ang maganda at maginhawang buhay. Malaking tulong para sa buhay natin kung ang ating response sa bawat sitwasyon o dagok sa buhay ay tapang ng loob, pag-iisip at pagkatao. Yung tuloy lang, walang ending!
“Huwag gawing hadlang ang kahirapan
para magkaroon tayo ng maganda at payapang buhay.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- How are you coping in life lately?
- SIno ang una mong tinatakbuhan every time feeling mo hindi mo na kaya?
- Patuloy ka pa rin bang maniniwala na maganda ang plano sa ‘yo ng Diyos?
————————————————————
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
- Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
- Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
- Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.