May mga kilala ka bang “one-day millionaires”?
‘Yung bang sumweldo lang ng kaunti, laman agad sila ng mga malls at ng mga bars?
Kapag may nahawakan ka bang malaking pera sa ‘di inaasahang pagkakataon, all-out kaagad? Nauubos ba ang perang pinaghirapan mo sa loob lamang ng ilang araw o linggo?
Hindi mo ba mapigilan na magpakasarap sa buhay?
“Bakit, Chinkee? Masama bang mag-enjoy at magpakasarap?”
Not at all! As long as may naititira ka sa kinikita o sinusweldo mo at hindi mo sinusunog ang pinagpapaguran mo sa loob lamang ng ilang araw.
All of us aspire to become successful and rich. Lahat tayo ay gustong umunlad at gumanda ang pamumuhay, walang duda.
Pero minsan, kung gaano kabilis ang dating ng pagpapala, ganoon din ito kabilis maubos.
Minsan nga, nandiyan na ang pagkakataon. Pero once na meron na tayong malaking income, hinahayaan natin ang mga sarili nating malunod sa tagumpay at sa isang iglap, mawawala itong bigla.
Bakit kaya may mga taong hirap na hirap pigilan ang kanilang sarili sa paggastos? Bakit kaya may mga “one-day millionaires”?
WANT TO REWARD THEMSELVES
Sila ‘yung mga napapagod o nagpapakapagod magtrabaho para kumita pero, naka-mindset na gusto nilang rewardan ang kanilang mga sarili ‘pag lumabas na ang fruits of labor.
‘Yun nga lang, sa sobrang aliw at saya, nakakalimutan nila ito at sumosobra ang kanilang pag-celebrate.
Ang isa pang dahilan kung bakit nahihirapan tayong magpigil ay dahil sa ating kinagisnan na kabataan.
NOT-SO-PRIVILEGED BACKGROUND
Sila ‘yung maraming napagdaanan na mapapait na nakaraan, challenges sa buhay, hindi pinagpala, at nabigyan ng pagkakataon na lumaking may magandang buhay.
They often say:
“One day, kapag nagkapera na ako, bibilhin ko ang lahat ng ito.”
“Kapag mayaman na ako, bibilhin ko ito para sa pamilya ko.”
Kaya kapag natupad ang pinapangarap, ito na ang takbo ng isip…
“THIS IS IT! ITO NA ‘YUNG PAGKAKATAON KONG MAKAPAGHIGANTI!”
At sa sobrang pagkasanay, hindi namamalayan na…
NAG-UPGRADE NA NG LIFESTYLE
Bili dito, bili doon – without counting the consequences or the negative effects that it will cost them.
Lahat ng hindi nabibili ay binibili mo na.
Lahat ng hindi nakakain ay kinakain mo na.
Lahat ng hindi napupuntahan ay pinupuntahan mo na.
Halimbawa:
Dati naman, okay lang sa atin ang walang aircon. Pero noong magkapera, bumili ng aircon dahil biglang hindi na matiis ang init sa gabi.
Dati naman, tuyo o ‘di kaya’y kanin na may mantika at konting asin, solb na solb na tayo. Nang magkapera, hindi na marunong lumingon sa pinanggalingan at ang gusto ay ‘yung magaganda at masasarap na pagkain lang.
Again, mga kapatid…walang problema sa pag-uupgrade dahil kailangan rin natin ito to improve at maramdaman ang pinaghirapa. PERO, be very careful of what you want to try.
Dapat afford natin ito, kayang i-sustain, at hindi ubos-biyaya. We should be good stewards of God’s resources o sa mga bagay na ipinagkatiwala sa atin. Kung gusto natin na tayo’y pagkatiwalaan muli, alagaan natin ito.
Tandaan niyo na ang pera ay HINDI NABUBULOK, kaya relax lang.
Think of ways to save more money and not think of ways to just spend it.
Think IPON, not GASTOS.
THINK. REFLECT. APPLY.
Naranasan mo na rin bang maging isang one-day millionaire?
Anong klaseng upgrade ang ginawa mo?
Kapag dumating muli ang ganitong pagkakataon, anong pagbabago na nais mong gawin?
====================================================================
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you enjoy this article? Here are some other related posts:
- “BAKIT MO AKO PINAPAKIALAMAN? PINAGPAGURAN KO NAMAN ITO!”
- ANG TUNAY NA IPONaryo AY MAUNLAD DAHIL MAABILIDAD
- ‘DI BALE NG DUKHA ANG PORMA BASTA MAY LAMAN ANG PITAKA
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.