Hindi ba madali para sa iyo ang pakikipag-kaibigan sa ibang tao?
Yung tipong naiilang kang makipag-ugnayan o makipag-usap man lang sa kanila?
Pero ang pagiging people person ay pwedeng pag-aralan kung nanaisin mo. Dahil ito ay malaking ang maiitulong sa iyo, especially kung ang iyong propesyon ay madaming ugnayan sa tao like a politician, bank manager, speaker, at marami pang iba.
Don’t fret. Ako din ay isang napaka-private na tao. Becoming a people person is like alien to me, kaya malaki ang pagbabago at effort na ginawa ko to become one.
Kung gusto mong ma-improve ang iyong personality upang maging people person. Meron akong mga simpleng guidelines na isu-suggest para ma-achieve mo ang level ng pagiging isang people person.
BE APPROACHABLE
Drop the face na nagsasabing, “Masama ang araw ko! Wag kang makalapit lapit sa akin!” at palitan mo iyon ng face na nagsasabing, “What can I help you with?”
Pakiunat mo yang noo mo na nakakunot at palitan mo ng vibrant smile. Oo, maaaring may pinagdadaanan ka. Pero sino ba naman ang taong walang pinagdadaanan? If you want to become a people person, the last thing you want is for others to perceive you as unapproachable.
Pwedeng ikaw mismo ang mag-initiate ng isang act baka kasi nahihiya sila sayo. Open your communication lines. Let them know that you are willing to connect with them. Be active in seeking other people’s needs. Be involved in other people’s lives. Connect. Embrace. Be approachable.
BE SINCERE
Di sapat na approachable ka lang. Dapat sincere ka din. Pwede kasing approachable ka nga pero di ka naman sincere dun sa ginagawa o sinasabi mo. Remember, people can see behind those acts. Malalaman at malalaman din nila if yung pagiging approachable mo is acting lang or totoo.
“What’s in it for me?” is the question na wag na wag mong iisipin every time you deal with people. Real people persons are those who think of the needs of others more than their own needs. Tandaan mo that sincerity stops when you start being obsessed sa kung anong kapakinabangan mo in every action that you do.
Ang pagiging people person, tulad ng ibang skill, ay kailangan ng practice. So you need to step up para ma-practice mo ang pagiging approachable at ang pagiging sincere mo. And why don’t you start in your family before going out to the community? In that way ay hindi lang ang community mo ang makikinabang sa pagiging people person mo, kundi pati ang family mo.
BE INTENTIONAL
Alam ko hindi natural sa atin yung ngumiti, yung makipag-usap, yung makipag-kaibigan. Pero kung gusto mo itong matutunan, kailangan natin ume-effort. Wala tayong magagawa mga kapatid, ganoon talaga.
“Eh, Chinkee, hindi naman ako ganoon, eh?”
Bakit, hindi rin naman ako ganoon noon.
Pero gusto kong matuto at maging isang tao na magiging pagpapala sa iba. Tatandaan mo, walang tao ay gustong yumakap sa mga taong CACTUS. Yung ang mga taong tuwing niyayakap mo ay ikaw ang masasaktan dahil sa kanilang mga tinik. We need to become a stuff toy, para tayo ay maging lovable and huggable.
THINK. REFLECT. APPLY.
If you want to become a people person, do these:
Be approachable.
Be sincere.
Be intentional.
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you enjoy this article? You can also check out these related articles in developing your relationships:
- How To Be Approachable
- WHAT ABOUT PRIDE?
- BUHAY NA WAGI SERIES: SURROUND YOURSELF WITH RIGHT RELATIONSHIPS
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.