Kumusta na ang iyong araw?
May mga problema ka bang dinadala lately?
Ito ba ay nakaka sira na ng iyong araw?
Ang problema sa buhay ay hindi mawawala. Akala natin na lutas na natin yung isa, bigla nalang may manganganak na naman na isa. Tila wala siyang katapusan. Minsan ito ay nakakapagod at nakakapagdulot ng matinding stress.
Kasi may mga problema na kahit ano ang gawin mo, tila wala na siyang lunas. You are now desperate, tired and frustrated with the situation.
Ang tanong, gusto mo bang maayos itong problema?
Kung gusto mo itong maayos at magkaroon ng lunas, tapusin mo ang pagbabasa ng blog na ito…
FACE THE PROBLEM
Huwag takbo ng takbo, avoiding the problem will not solve it but will just make it bigger. Sayang ang effort mo kapag parati ka na lang umiiwas. Huwag mong sayangin ang time, effort and resources mo sa kakaiwas.
ANALYZE THE PROBLEM
Gaya ng laging itinuturo sa atin ng ating math teacher, pagdating sa problem solving, we need to analyze the problem first. Bago tayo bumira ng kilos at akyson, maupo muna tayo at mag-isip. Ask yourself these questions:
What is the problem?
What is the root of the problem?
Sino ang pwedeng makatulong sa akin?
What are the possible solutions?
What is my action plan?
SEEK HELP
Kung di mo talaga kayang i-analyze ang problema mo at di mo mahanap ang tamang solusyon, huwag ka mahiyang humingi ng tulong sa iba. Hindi masamang magtanong at lalong hindi makakasama kung susubukan mong makinig sa opinyon at payo ng iba. Pero syempre piliin mo kung sino ang pakinggan mo. Make sure that the person you will choose is credible, mature at talagang makakatulong sa pinagdadaanan mo.
Halimbawa, may problema ka sa linya ng tubig nyo, hihingi ka ba ng tulong sa mananahi? Syempre, hihingi ka ng tulong sa tubero. I know you are getting my point. Find someone who will lead you to the right key.
DON’T DECIDE BASED ON YOUR EMOTIONS
In finding the right solution, hindi puro emosyon ang pinapairal. Yes, kailangang gamitin ang puso pero we can’t base our decisions on our emotions alone because it is unstable. Pabago-bago ito and sometimes deceiving. Kaya nga we should not decide when we are emotional like mad, tired or too happy because the outcome may not be as good as we expect.
BE REALISTIC
Huwag suntok sa buwan ang mga solusyon na iniisip natin. It should be realistic or else it won’t work. Minsan talagang may mga himala at surprises ang buhay, pero syempre most of the time we should stick to the practical solution, yung makatotohanan.
Halimbawang gusto mong maging slim and fit, hindi naman ito magic na pwedeng mangyari sa isang inuman mo lang ng slimming pills. You have to go through the process. Start to eat healthy, plan your diet and stick to it, and exercise. Walang shortcut, kung meron man, sandali lang din ang effect.
Katulad ng lagi kong sinasabi sa aking program, “For every problem there is a solution, if you are not part of the solution, you’re part of the problem. Always think positive.”
Palagi mong iisipin na hindi nagbibigay ang Diyos ng pagsubok na hindi mo kaya. Humingi ka ng tulong sa Kanya at makakaasa kang sasamahan ka Niyang lutasin ang mga problemang pinagdadaanan mo. Let Him guide you to find the right key.
THINK. REFLECT. APPLY.
Are you realistic when it comes to problem solving?
Do you have the right mindset when it comes to problem solving?
Do you trust God that He can help you with your problems?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? You can also check on these related posts:
- What Can We Learn From The Great Muhammad Ali?
- WANT TO MAKE YOUR PROBLEMS GO AWAY?
- Unlimited Problems
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.